• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi inaasahan ng mga tao ang post kamakailan ni Diego Loyzaga.

Mga bagong litrato nina Diego Loyzaga at Barbie Imperial, trending

Hindi inaasahan ng mga tao ang post kamakailan ni Diego Loyzaga.

BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

10/12/2021 12:29 PM
Mga bagong litrato nina Diego Loyzaga at Barbie Imperial, trending
Photo Credit: @diegoloyzaga Instagram

Maraming netizens ang natuwa sa mga inilabas kamakailan na mirror selfies ng aktor na si Diego Loyzaga sa social media. 

Maliban sa marami ang namangha sa pangangatawan ni Diego ngayon, hindi inasahan na mag-pho-photobomb ang girlfriend nito na si Barbie Imperial. 

Sa mga nasabing larawan, makikitang magkasama sina Diego at Barbie sa loob ng isang kwarto. 


“Kanin na lang,” komento ni Barbie sa litrato ni Diego. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Diego (@diegoloyzaga)

 

Kaya naman maraming netizens ang nagbigay ng kani-kanilang komento tungkol sa mga larawan ng dalawa. 

“My bata sa likod mo Diego,” saad ng isang netizen. “Swerte naman ni Barbie,” sey naman ng isa pang netizen. 

Hindi din napigilan ng mga kaibigan nina Diego at Barbie na maaliw sa litrato nilang dalawa. 

“Haha gg bro!” saad ni Eric Tai na mas kilala bilang Eruption. 

Kamakailan lamang, sinabi ni Diego na maswerte siya sa pagiging partner ni Barbie. 

READ: Diego Loyzaga calls Barbie Imperial the ‘love of his life’ in sweet birthday post

Aminado din si Diego na alam hindi perpekto ang kanilang relasyon ngunit alam niyang malalagpasan nila ito dahil sa kanilang dedikasyon sa isa’t-isa. 

“I’m lucky to have you as my partner. No relationship is perfect nor easy. It takes effort, a little struggle and a whole lot of commitment… and for you it’s worth all of it,” ani pa ni Diego. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Diego (@diegoloyzaga)

 

Sa panayam sa PUSH kamakailan, inamin din ni Diego na napag-uusapan na nila ni Barbie ang tungkol sa kasalan. 

“Kasi 'yung pupuntahan niyo eventually is marriage, have a family, have kids. So ganoon ko siya tinitingnan with Barbie, and ganoon din naman niya tinitingnan with me,” saad ni Diego.