• Home
  • Fresh Scoops
  • Isang mensahe ang ibinahagi ni Melai Cantiveros para sa kaarawan ng kanyang kabiyak na si Jason Francisco.

Melai Cantiveros, ibinahagi ang hiling para sa kaarawan ni Jason Francisco

Isang mensahe ang ibinahagi ni Melai Cantiveros para sa kaarawan ng kanyang kabiyak na si Jason Francisco.

BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

10/12/2021 03:41 PM
Melai Cantiveros, ibinahagi ang hiling para sa kaarawan ni Jason Francisco
Photo credit: @mrandmrsfrancisco Instagram

Isang mensahe ang ibinahagi ni Melai Cantiveros para sa kaarawan ng kanyang kabiyak na si Jason Francisco.

Sa Instagram, nag-post si Melai ng retrato nila ni Jason, kasama ng kanyang matamis na pagbati para sa mister.

"13 years of greeting you a happy b-day My Lab Ga is always a privilege for me simula nung pagkakilala natin sa 'PBB'.  Happy, happy b-day Papang, my constant, confidant, and my best comforter. 'Pag siya mag-comfort, talagang para kang baby. Ayiie ayiie ayiie pa-kumot ka na Ga. Hahahahahaha," aniya.


"Pray ko Papang mga best lahat sa 'yo. Mahal na namin ng mga April girls mo, kahit rinding rindi ka minsan sa mga bunganga namin," dagdag niya.

Unang nagkakilala sina Melai at Jason bilang housemates sa sikat na reality TV show na Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009.

Ikinasal sila noong Desyembre 9, 2013 sa Holy Cross Parish sa General Santos City. Sa ngayon ay dalawa na ang anak nila—si Mela at si Stela.

Noong nakaraang taon, muling nagpalitan ng sumpaan sina Melai at Jason sa programang Magandang Buhay para sa kanilang ika-pitong aniberyaso bilang mag-asawa.

Sa kanyang makulit ngunit nakakakilig na wedding vow para kay Jason, sinabi ni Melai: "Papang, always remember that I'm always here for you. Si Lord ang center sa buhay natin, and [I] promise you to cross the ocean for you, and be your hero and your strength. Anything you need. Lahat nalagpasan natin, and madami pa tayong malalampasan. Basta't kapit lang tayo kay God, at walang sukuan. Oh 'di ba? Now look at you, look at me. How you like that?

"Papang, always kong ipagdarasal na for you and me, we will not kill this love. And pananatilihin kong maging sweet sa 'yo, like an ice cream chillin' chillin'. So Papang for me, you are always shining through the city with a little funk and soul, and you will always be the one to light me up like a dynamite. I love you. Papang, I love you so much."

Hindi naman nagbigay ng pangako si Jason, ngunit iginiit nito ang kanyang magpapamahal para kay Melai at sa kanilang pamilya.

PANOORIN: Melai Cantiveros, sinorpresa si Jason Francisco ng bagong sasakyan

"Simplehan ko na lang. Ayaw kong mangako, kasi ang mahirap mangako 'di ba? Dahil karamihan ng nanangako, eh napapako. So iisipin ko na lang parati, eh, tayo na lang tao sa mundo. Para iisipin ko, hindi na tayo magkakahiwalay. Laging nasa isip ko kasi parati mga parents mo, kasi siyempre sinabi ko nga na kung sasaktan kita, eh 'di parang sinasaktan ko na rin 'yung mga magulang mo. 'Yun lang at sana madagdagan na ang ating mga chikitings. Tsaka 'yun, siyempre, alam mo naman. Mahal na mahal naman talaga kita 'di ba? I love you and I love your parents and our babies. And soon, more babies," aniya.