• Home
  • Fresh Scoops
  • Naglabas ng pahayag si Lolit Solis kaugnay sa isyu nila nina Mikee Morada at Alex Gonzaga.

Lolit Solis, humingi ng paumahin kay Mikee Morada at Alex Gonzaga; nakiusap na huwag nang i-bash

Naglabas ng pahayag si Lolit Solis kaugnay sa isyu nila nina Mikee Morada at Alex Gonzaga.

BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

10/12/2021 03:22 PM
Lolit Solis, humingi ng paumahin kay Mikee Morada at Alex Gonzaga; nakiusap na huwag nang i-bash
Photo credit: @akosilolitsolis and @cathygonzaga Instagram

Matapos umalma si Mikee Morada sa naging pahayag ni Lolit Solis sa kanyang asawa na si Alex Gonzaga, humingi ng paumanhin ang batikang entertainment talk show host sa mag-asawa. 

Sa isang Instagram post, nilinaw ni Lolit na ayaw niya umanong makasakit ng ibang tao lalo na sa edad niya ngayon.  

“Gusto ko maging clear sa lahat na never ko ginusto na maka offend o makasakit ng tao. Isa akong matandang babae, edad 74 going 75, at siguro sa buhay ko dumating na ako sa punto na gusto ko sana walang nagagalit o naiinis sa akin,” saad ni Lolit. 


READ: Mikee Morada, sinagot ang paratang ni Lolit Solis tungkol kay Alex Gonzaga

Depensa nito, ginagawa lamang umano niya ang pagpo-post kung anu-anong bagay sa social media bilang “mental exercise.”

“Dahil ayoko lang na ma idle ang utak ko sa katutulog, at walang ginagawa, naging mental exercise ko na ang IG na ginagawa na rin column ni Salve,” aniya. 

“Matanda na ako para magkaruon pa ng kaaway, ayoko din na meron nasasaktan sa isinusulat ko na ginagawa ko lang outlet para ilabas iyon nasa isip ko,” dagdag pa nito. 

Kaya naman humingi ng paumanhin si Lolit dahil sa mag-asawa dahil sa naging epekto sa kanila ng kanyang post.  

“If I have offended, o may nasaktan dahil dito, I Am Very SORRY. Hindi iyon at never iyon ang naging intention ko ng isulat at ipost ko iyon,” saad niya. 

Ani pa ni Lolit, wala umano siyang intensyon na saktan ang mag-asawa. 

“Wala akong intention to hurt or cause pain. So SORRY if ito ang naging dating kay Alex Gonzaga at sa kanyang asawa. I will honestly say na I appreciate the very respectful comment of Alex Gonzaga husband,” aniya. 

Dagdag pa niya: “Hindi iyon ang motibo ko, hindi iyon ang gusto ko. If I have offended and hurt you, I deeply apologize.”

Naiintindihan naman umano ni Lolit ang naging reaksiyon nina Mikee Morada. 

“I understand what you mean na very trying ang experience na ito para sa inyong mag asawa. For the people na sobra naman negative ang naging reaction, I also understand. Pero sana, nakita nyo rin how Alex Gonzaga husband handled the matter,” saad niya. 

Sa huli, nakiusap si Lolit sa mga tagahanga nina Mikee at Alex na huwag na umano siyang i-bash.