• Home
  • Fresh Scoops
  • Ipinagtanggol ni Paulo Avelino ang kapwa aktor at kaibigan na si Jake Cuenca sa gitna ng kontrobersiyang kinakaharap nito.

Paulo Avelino, dinepensahan si Jake Cuenca: ‘Wrong place, wrong time’

Ipinagtanggol ni Paulo Avelino ang kapwa aktor at kaibigan na si Jake Cuenca sa gitna ng kontrobersiyang kinakaharap nito.

BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

10/11/2021 01:52 PM
Paulo Avelino, dinepensahan si Jake Cuenca: ‘Wrong place, wrong time’
Photo Credit: @pauavelino and @juancarloscuenca Instagram

Ipinagtanggol ni Paulo Avelino ang kapwa aktor at kaibigan na si Jake Cuenca sa gitna ng kontrobersiyang kinakaharap nito matapos na makabangga ng sasakyan ng pulis sa Mandaluyong nitong Sabado ng gabi, Oktubre 9.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, nagsasagawa ng buy-bust operation ang mga pulis nang mabangga ang kanilang sasakyan ng isang itim na Jeep Wrangler na minamaneho ni Jake. Hindi umano huminto ang sasakyan kaya't hinabol nila ito.

Umabot umano ang habulan haggang sa West Capitol Road sa Barangay Kapitolyo sa Pasig, kung saan na-korner si Jake matapos mabaril ng mga pulis ang gulong ng sinasakyan nito.


 

 

Ayon pa sa ulat, sa pagpapaputok ng pulis ay hindi sinasadyang matamaan ng bala ang isang 43-taong gulang na delivery rider na si Eleazar Maritino. Agad naman siyang isinugod sa Rizal Medical Center kung saan kasalukuyan siyang nagpapagaling.

Dinala naman si Jake sa Mandaluyong Police Station kung saan sinampahan siya ng kasong Reckless Imprudence Resulting to Damage to Property.

BASAHIN: Jake Cuenca arrested by police after allegedly bumping a police car

Sa Twitter, dinepensahan ni Paulo ang kaibigan, at sinabing kung siya ang nasa lugar ni Jake ay siguradong ganoon din gagawin niya. 

"I wouldn't stop for anyone shooting my vehicle wearing civilian clothes. Pass through a checkpoint? Hinarang ba? If someone was shooting me, it's either I shoot back or run for my life. Wrong place, wrong time," aniya.

Nilinaw din niya na hindi lasing si Jake noong mangyari ang insidente. Ayon kay Paulo, noong gabing iyon ay papunta si Jake sa kanyang bahay upang bisitahin siya matapos niyang gumaling sa sakit na COVID-19. 

"Drunk? No. Nakainom? Maybe. Nakasagasa ba? Nakasakit ng tao? Hindi. Walang malay na nagmamaneho papunta dito sa punyeta kong bahay dahil kaka-recover ko lang sa COVID," aniya.

"Same thing I would do for someone I love. If you get COVID then F it. I wouldn't care If I get it too. I'm taking care of you whether I get it or not. If I die due to COVID, I'll be happy I did it for someone I love," dagdag niya.

Sinagot din ni Paulo ang netizen na bumatikos sa kaibigan dahil sa hindi nito paghinto kahit nakabangga na ng sasakyan. 

"Nakabangga siya so dapat talaga huminto sya. And nasa buy bust operation yung PNP, malay ba nila kung yung sakay ng SUV eh related dun sa operation nila. Maybe kaya hinabol nila nung sasakyan and para huminto eh binaril yung gulong. Anyways, sana ok na 'yung rider na nadamay," sabi ng netizen.

Sagot naman ni Paulo: "Ma'am wag po tayo mag marunong. Wala pong tama sasakyan niya. Kung may nasagi man gulong niya malamang dahil kita naman po sa mga picture lampas ng sasakyan. 'Yung complainant po private vehicle ng pulis na ginamit sa operation... GET YOUR FACTS STRAIGHT."

Sa hiwalay na tweet, sinabi ni Paulo: "Mauna sa balita bida ngayon. GET YOUR FACTS STRAIGHT AND KNOW THE TRUTH BEFORE YOU POST."

Isa si Paulo sa agad na nagpunta sa police station kung saan na na-detain si Jake. Kasabay niyang dumating ang ama ni Jake at ang dating Comelec Chairman Benjamin Abalos, Sr. na kaibigan umano ng pamilya Cuenca.

Sa kanyang pahayag, idiniin ng ama ni Jake na walang kasalanan ang anak, at sinabing hindi kaagad huminto ang aktor dahil naka-sibilyan umano ang mga pulis na nanghuli sa kanya. Natakot umano ito kaya't hindi siya tumigil sa kalsada.

Ayon pa sa ama ni Jake, nagtamo rin ng sugat ang aktor dahil pinadapa siya umano ng mga pulis.

Samantala, matapos ma-detain ay pinayagan ding umalis ng presinto si Jake bandang alas singko ng umaga ng Linggo, Oktubre 10. Agad naman itong nagpa-medical check-up, ayon sa ulat ng Eastern Police District.

Panoorin ang buong ulat ng ABS-CBN News dito: