• Home
  • Fresh Scoops
  • Malaki ang ibinawas na timbang ni Sharon Cuneta na enjoy na enjoy ngayon sa Amerika.

Sharon Cuneta, ipinagmalaki ang malaking nabawas na timbang: ‘Size 38 nalang jacket ko’

Malaki ang ibinawas na timbang ni Sharon Cuneta na enjoy na enjoy ngayon sa Amerika.

BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

10/10/2021 04:02 PM
Sharon Cuneta, ipinagmalaki ang malaking nabawas na timbang: ‘Size 38 nalang jacket ko’
Photo credit: @reallysharoncuneta Instagram

Proud na ibinahagi ng megastar na si Sharon Cuneta na malaki na ang ibinawas ng kanyang timbang. 

Sa isang Instagram post, sinabi ni Sharon na size 38 na lamang umano ang jacket niya at malalaki na ang mga natitirang jacket niya ngayon. 


“Waaaaahhh ang laki na nung iba,” saad ni Sharon sa caption ng kanyang post. 

Tingnan ang post ni Sharon sa ibaba: 

Gayunpaman, hindi naging madali ang pagpapapayat para kay Sharon na sinabing halos limang taon niya itong pinagtrabahuan. 

“I started dieting in January of 2016 but now lang talaga napansin yung loss of weight ko,” pagtatapat niya. “Kasi on and off ako sa dieting. Pag may nakita akong food na hindi ko kinain, I tell myself, ‘What if I'd die tomorrow at hindi ko natikman yan.’ Ngayon tikim-tikim na lang, hindi na  isang bandehado,” ani Sharon. 

READ: Sharon Cuneta explains why she is determined to lose weight this time

Saad pa ni Sharon na ngayon ay 55 anyos na, gusto umano niyang magslibing inspirasyon para sa mga kababaihan.  

“They message me and tell me I inspire them. I’m already 55 and I’m happy that I can inspire other women to be healthy. I’m just glad to feel healthier now, so I can see my grandchildren, and I can run with them,” aniya. 

Para kay Sharon, bonus na lamang umano para sa kanya ang maganda siya tingnan sa screen at sinabing mas importante na alam niyang maayos ang kanyang kalusugan. 

“And it’s also for health reason and then bonus na ‘yung you look better on screen. Gusto ko ring maging proud sa akin ang mga Sharonians ko when they watch me naman at excited sila,” saad niya. 

READ: Sharon Cuneta on being back in the US: ‘I love being “home” here’

Kasalukuyang nasa Estados Unidos ngayon si Sharon.