Mga artistang may non-showbiz partners Part 2 | Pushpins

Sinu-sino itong mga artista na may non-showbiz partners?

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

10/12/2021 04:55 PM
Mga artistang may non-showbiz partners Part 2 | Pushpins
Photo credit: @bianca_king, @chepoxz, @akosijcdeberat. @iamsofiaandres and @iamryzacenon

Madalas ay kinikilig ang marami sa mga onscreen pairs sa iba't ibang shows.  

May ilan sa mga artista na ito ay piniling i-level up ang relasyon nila sa kanilang co-stars.  

Samantala, mayroon din naman piniling maging masaya sa kanilang buhay pag-ibig with a non-showbiz partner.  


Sinu-sino sila?  

Let's find out.  

  

Andi Eigenmann 

Si Andi Eigenmann ay engaged na sa kanyang non-showbiz partner na si Philmar Alipayo noong December 2020. 

Si Philmar ay isang professional surfer na nakabase sa Siargao, at nanalo noong 2017 sa 19th Siargao National Surfing Cup. 

Sa isang surfing competition sa Siargao noong 2017 nagkakakilala at naging mag kaibigan sina Andi at Philmar. 

Ngayon ay mayroon ng dalawang anak sina Andi at Philmar na si Lilo at ang bunsong anak na ipinanganak ni Andi noong January 2021 na si Koa. 

Samantala, si Andi ay may anak din sa aktor na si Jake Ejercito na si Ellie. 

 

Sofia Andres 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by SOFIA (@iamsofiaandres)

Ang aktres na si Sofia Andres ay kasalukayan namang in a relationship sa kanyang non-showbiz partner na si Daniel Miranda. 

Ang partner nitong si Daniel ay isang professional at multi-awarded kart racer, kasama na ang pagiging TCR Asian Driver Champion noong 2019. 

Sa isang vlog ay ibinahagi ng dalawa na una silang nagkakilala sa isang bar sa Taguig noong 2017. 

Mayroon ng one year old daughter ang dalawa na si Zoe Natalia na ipinanganak noong November 2019. 

 

Ryza Cenon 

Masaya rin ang buhay pag-ibig ng aktres na si Ryza Cenon sa kanyang non-showbiz partner na si Miguel Antonio Cruz. 

Isang filmmaker si Miguel na nag-aral sa University of Southern California at kumuha rin ng cinematography workshops sa Rockport, Maine. 

Ryza shared that she and Miguel met through a common friend back in 2019, and revealed that Miguel courted her for seven months. 

October last year nang ipanganak ni Ryza ang kanilang first child na pinangalanang Night.

 

Bianca King 

Ikinasal na noong June 2021 ang aktres na si Bianca King sa kanyang non-showbiz partner na si Ralph Wintle. 

Si Ralph ay kapatid ni Ben Wintle na asawa ng Kapamilya actress na si Iza Calzado. 

Bianca made their relationship public in 2019, where she posted their picture and captioned it with "fave ❤" 

Bianca moved to Sydney in August 2020 to start a new chapter with her partner. 

 

JC De Vera 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by JC de Vera (@akosijcdeberat)

Sa isang church wedding ay muling pinakasalan ng aktor na si JC De Vera ang kanyang non-showbiz wife na si Rikkah Cruz. 

Una nang ikinasal sina JC at Rikkah sa isang civil wedding tatlong taon na ang nakalipas. 

JC and Rikkah have a three-year-old daughter named Lana Athena. 

 

Anong masasabi ninyo sa mga couples na ito?   

Share your thoughts in the comment box!