• Home
  • Fresh Scoops
  • Madali lang daw pumayag si Kit Thompson sa mga sensitive scenes nila ni Lassy Marquez.

Lassy Marquez describes Kit Thompson’s private part as a ‘footlong’, admits taking advantage of the scene

Madali lang daw pumayag si Kit Thompson sa mga sensitive scenes nila ni Lassy Marquez.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/10/2021 03:55 PM
Lassy Marquez describes Kit Thompson’s private part as a ‘footlong’, admits taking advantage of the scene
Photo credit: @akolassy and @kitthompson Instagram

May “rape scene” sina Lassy Marquez at Kit Thompson sa pelikulang Sarap Mong Patayin ni Direk Darryl Yap kaya hindi naiwasang tuksuhin ang komedyante kung paano niya ide-describe ang frontal asset ng hunk actor.

Ani Lassy na natatawa,  “Ay grabe! Makikita mong parang footlong. Hahaha! Yung pwede pang hatiin sa dalawa, huh. Ang laswa! Charot!”

Base sa trailer ng pelikula ay kailangan ding halikan ni Lassy ang dibdib ni Kit.


“Noong umpisa natatakot talaga ako kasi sa laking tao ni Kit. Baka sapakin ako, isang kamao lang talaga ako. Kaya natatakot ako sa simula,” reaksyon niya sa naturang eksena.

“Pero yung nangyari sa akin na ma-experience yung gawin ang eksena, parang isang biyaya. Hahaha!” dagdag niyang natatawa.

Pinag-usapan ba muna nila ni Kit ang sensitibong eksena bago nila ito gawin?

READ: Lassy Marquez on catfishing: ‘Actually, dalawa ang nangyaring ganyan sa akin’

Sagot ni Lassy, “Hindi naman sa sobrang pinag-usapan, nagpaalam ako kay Kit na, ‘Kit puwede ko bang gawin ‘to?’ and he said ‘Yes.’

“Ganun lang kasimple. Sobrang simple lang, bahala na kung anong mangyayari basta gagawin na. Pero magkakaroon ka ng pakiramdam na, ‘Wow, Kit Thompson ‘to!” pagmamalaki ni Lassy.

May version naman ng kuwento si Direk Darryl bago sinimulang gawin ang eksena.

“Ganito po yan. Ako dapat ang magtatanong kay Kit kung okay lang bang dilaan ni Lassy yung nipples niya. Sabi ko, pag tinanong ko si Kit kung okay lang bang dilaan ang nipple niya, siyempre sasabihin sa akin, ‘Sige, Direk, okay lang.’

 “Hindi ko alam kung gusto talaga ni Kit, kasi baka out of respect or because of I’m his director, mapapa-oo lang si Kit. Kaya kinuha ko si Lassy, sabi ko, ‘Tanungin mo naman si Kit kung okay lang sa kanyang dilaan mo yung utong niya?’

“Sabi naman ni Lassy, ‘Direk, baka sapakin ako. Hahaha!’ Kasi lahat naman ng sinabi ko kay Kit, um-oo, so hindi ko ma-gauge.  Kaya Lassy, tanong mo naman. Sabihin mo, ‘Gusto ni Direk i-lick ko yung nipples mo, eh, kaya tanungin muna kita,’” detalyadong kwento ng direktor ng pelikula.

READ: Kit Thompson on competing with younger artists: ‘Hindi naman tayo bumabata’

Dugtong pa niya, “Ganito magtanong si Lassy kay Kit—‘Kit, sa eksena raw kasi parang kailangan dilaan ko yung nipples mo, okay lang ba sa ’yo?’ Sabi raw ni Kit, ‘Yeah, sure.’ Kung gaano siya kabagal magtanong kay Kit, ganu’n kabilis siya magsabing, ‘Direk, okay daw!’ Hahaha!”

Ayon naman kay Kit hindi siya nagkaroon ng hesitation na gawin ang eksena with Lassy.

“Kasi nung in-explain sa akin kung anong mangyayari and what the scene’s gonna be, parang alam ko na—na there’s a possibility na…

“Kasi I knew the project. That it’s gonna be Lassy and Ariella (Arida). I knew how the story goes, so siyempre, nire-rape ako, so let’s make this believable.”

Nang muling tanungin si Lassy kung nag-take advantage ba ito sa eksena niya kay Kit, aniya ay sa isip lang daw.

“No! Sa isip nate-tempt ka pero sa gawain, hindi! Hahaha! Pero para akong nanalo. Pumapalakpak ako,” tumitili niyang reaksyon.

Mapapanood ang Sarap Mong Patayin sa Oktubre 15 sa Vivamax at sa iba pang streaming platforms.