• Home
  • Fresh Scoops
  • Julia Barretto admits her Aunt Claudine Barretto is a singular talent in acting

Julia Barretto says there can only be one ‘Claudine Barretto’

Julia Barretto admits her Aunt Claudine Barretto is a singular talent in acting

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/10/2021 12:33 PM
Julia Barretto says there can only be one ‘Claudine Barretto’
Photo credit: @juliabarretto and @claubarretto Instagram

Very humble na inamin ni Julia Barretto sa interbyu ng PUSH na wala raw siyang nakuhang galing sa pag-arte kung ikukumpara sa tita niyang si Claudine Barretto.

Aniya, “Nakuha? Naku siguro wala. Siguro wala kasi nag-iisa lang siya, eh.”

Saludo raw talaga siya sa galing ni Claudine na na-witness niya simula pa lang ng kanyang pagkabata.


“Napakahusay niya, and growing up you know I’ve been always vocal about this, I have always been a fan of her and her work, of her projects and I really looked up to her growing up as an actress,” pahayag ng dalaga.

READ: Julia Barretto says she doesn’t owe anyone an apology

Sabi pa ni Julia, “Pero again, siguro when it comes to our craft – iba. We’re different, because again,  iba siya.

“Iba talaga siyang umarte… iba talaga siya.”

Magkaganun man, ginagawa naman daw niya ang kanyang best tuwing nabibigyan siya ng opportunity sa TV at movie projects na kanyang ginagawa. 

“Pero ako naman, I try my best every day and every time I’m given the opportunity. And I always try to be at my best and perform and deliver,” diin niya.

“I just want everybody around me proud and everybody who trusts me with the projects proud and I think that’s always been the goal‚ to help breathe life into the character that I’m given,” deklara pa niya.

Samantala, sa previous talks namin with Claudine ay ipinagmalaki niya ang pamangkin at sinabing magaling itong aktres.

“Alam kong dugong Barretto yan. Magaling yan. At saka may dugong Dennis Padilla yan, magaling din sa comedy,” papuri ni Claudine kay Julia.

READ: Claudine Barretto rumesbak sa isyung bagsak na ang career ni Julia Barretto

Sinabi ito ng aktres kahit pa meron itong tampo at sama ng loob sa pamangkin na hindi pa rin naaayos hangang ngayon.

“Mas importante talaga na mabigyan siya ng right project para maipakita niya yon. We just need a real good project for her,” lahad ni Claudine.