• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Shoot! Shoot! Di Kita Titigilan’ star Andrew E. talks about bringing back his brand of old school comedy in his latest Vivamax film project.

Andrew E misses being a rapper: ‘Super love ko pagiging rapper’

‘Shoot! Shoot! Di Kita Titigilan’ star Andrew E. talks about bringing back his brand of old school comedy in his latest Vivamax film project.

BY
Rhea Manila Santos

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

10/10/2021 06:35 PM
Andrew E misses being a rapper: ‘Super love ko pagiging rapper’
Photo Credits: @andrewe_dongalo on Instagram

After signing a new four-picture deal this year, veteran rapper and comedian Andrew E. said he is more than grateful to Viva which has been his management agency ever since he started working in movies in the early ‘90s.

“Siyempre para sa dinami dami ng actor, sa dinami dami ng comedian din sa bakuran ng Viva, siyempre doble pasasalamat yung tipong naisasama ka sapagkakataon na makagawa ng pelikula, lalong lalo na sa dinami dami ng puwede bigyan ng chance eh ikaw pa yung nabibigyan ng ganitong pagkakataon and from my heart and from my family, I would really love to thank them. Lalong lalo na 30 years na ako sa Viva. 30 years na rin akong, binabalikatan, inaayudahan, and at the same time inaako para sa kanilang company na makapag-deliver ako and up until naniniwala na nakakapag-deliver pa rin ako and that’s the reason why meron tayong movie na Shoot! Shoot!. Kaya isa yun sa tunay na pinagpapasalamat ko. In fact, 18 years ago pa itong awitin na ‘to na biglang nag-hit sa Tiktok and all that. And isa ako sa naisip nilang tawagan at ma-convince to do it again. So maraming salamat,” he said.

READ: Andrew E. opens up about health challenge he experienced this year


 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Andrew E. (@andrewe_dongalo)

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Andrew E. (@andrewe_dongalo)

It’s been 31 years after releasing his debut single “Humanap Ka Ng Panget” and Andrew E recalled that it was his first hit that paved the way for him to star in his first movie of the same name. But the 54-year-old performer admitted he still misses being a rapper.

“Ang una ko talagang totoong love from the heart ay pagiging rapper kasi diyan ako nagsimula. Hindi ako nagsimulang artista. At yung mga nagsasabi na ako’y nakilalang artista muna bago rapper hindi totoo yun. Napakalaking patunay sa inyo na in fact nakilala niyo ako sa ‘Humanap Ka Ng Panget’ di po ba? Before even ‘Humanap Ka Ng Panget’ nakilala na ako sa Euphoria (disco) sa pagiging DJ so rapper din ako dun hindi ako artista.

“And then lalo lang lumawak ang name ko nung naging artista ako nung 1991 at ginawa akong artista ng Viva via Humanap Ka Ng Panget the movie. Share ko lang, nung panahon na yun, hindi ba sunod sunod ang pelikula ko na ginawa sa Viva? That’s four movies a year. Every three months gumagawa ako ng bagong movie. So ibig sabihin nun, kung mas nagiging artista ka, mas nalayo ka ngayon sa pagiging rapper. So basically na-mi-miss ko yun. Pero medyo nung nag-downhill naman yung pagiging artista or sa pelikula nung 1997 pataas, binalik ko naman yung super love ko na pagiging rapper at yun naman ang nag-tuloy tuloy sa aking karera. Pareho ko silang love, una nga lang yung pagiging rapper, sumunod yung pagiging artista. But equally loved by me. Kasi silang dalawa ang tunay na naglagay ng pagkain sa aking hapag kainan. Yun ang aking pasasalamat,” he said.

READ: Andrew E on kissing scene with AJ Raval: ‘Hindi ko naman alam na anak siya ni Jeric’

 

 

After doing a string of comedy films, Andrew E revealed how his talent in humor became an advantage when it came to courting women when he was still single.

“Siguro ang na-utilize ko, hindi lang din kung saan ako nakilala, na-utilize ko siguro sa tatlong bagay. One, given na rapper ako. So siyempre kunwari man nataon na ako’y nanliligaw or nagiging close sa isang babae eh siyempre sinasama ko siya sa mga show. So nakikita niya akong nag-pe-perform and hinahangaan or something like that. So nakikita niya yun. Siyempre pag nakaka-kuwentuhan ko na, hindi maaalis na komedyante ako so mag-i-inject din ako ng usapan na gusto ko mapapangiti ka, dadami yung feeling niya, yung mag-e-enjoy siya habang kasama ako. And then thirdly, na hindi alam ng tao eh malalim din akong tao. Kaya pag sinama ko ang kalaliman ko sa pagiging comedian at pagiging performer rapper,” he shared.

READ: Andrew E, aware at tanggap na kumupas na ang kanyang popularity

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Andrew E. (@andrewe_dongalo)

After surviving a health scare last year, the Shoot! Shoot! actor said he has taken on a more positive and grateful perspective on life.

“It’s always pasasalamat sa Panginoon. Kasi unang una, bago nag-umpisa ang pandemya na-ospital ako di ba? Doon pa man, napakalaking pag-iisip ng pasasalamat. May nagtanong sa akin kelan lang how did I feel during the pandemic, na-depress ka ba? Hindi ko nga na-feel yung depression sa pandemic. You know why? Kasi busy ako na tinataguyod ko yung sarili ko at yung kalusugan ko kasi na-ospital ako even before pandemic. Kaya imagine mo kung iniisip ko yung sarili ko mapagaling, eh ba’t ako mag-iisip ng pandemic di ba? Kasi nakatuon na sa sarili ko na kailangan kong gumaling para sa pamilya ko. Para makabalik ng kalakasan at ang kalusugan ko maibalik ko,” he added.

Watch the Vivamax Original comedy movie Shoot! Shoot! Di Kita Titigilan”  streaming exclusively on Vivamax. Starring Andrew E., AJ Raval, Sunshine Guimary. Directed by Al Tantay.