Marami na ang mga housemates na pinasikat ng reality show na Pinoy Big Brother.
Ilan sa kanila ay nagkaroon ng pagkakataon na makilala at mabigyan ng showbiz careers, tulad na lamang ng ibang Big Winners na hanggang ngayon ay aktibo pa rin sa showbiz.
Samantala, may mga ibang Big Winners naman na mas pinili ang buhay away from the limelight.
Sinu-sino sila?
Let's find out.
Nene Tamayo
Si Nene Tamayo ay ang kauna-unahang Pinoy Big Brother Big Winner.
Unang umere ang first season ng reality show noong August 2005 kung saan naging housemate si Nene.
Kasalukuyang ine-enjoy niya ngayon ang kanyang buhay may pamilya.
Si Nene ay may 14 years old na unico hijo sa non-showbiz husband nito.
Keanna Reeves
Si Keanna ang itinanghal na Big Winner sa unang celebrity edition ng Pinoy Big Brother noong 2006.
Naging parte rin si Keanna ng iba't ibang teleserye at sitcoms gaya ng The Killer Bride at Home Sweetie Home.
Ngayon ay busy si Keanna sa kanyang role sa series na Hoy, Love You na pinangungunahan nina Joross Gamboa at Roxanne Guinoo.
Kim Chiu
Unang nakilala ng madlang pipol si Kim Chiu bilang housemate ni Kuya sa unang teen edition ng Pinoy Big Brother.
Matapos manalo bilang Big Winner ay nagsunud-sunod ang projects ni Kim kung saan bumida siya sa mga serye at pelikula gaya ng My Girl, Ina Kapatid Anak, at Bride for Rent.
Matapos maging guest host sa It's Showtime ay kinuhang regular host si Kim ng noontime show noong September 2020.
Beatriz Saw
Si Beatriz Saw o mas kilala bilang Bea Saw ay ang itinanghal na Big Winner ng Pinoy Big Brother Season 2 noong 2007.
Napanood din si Bea sa mga pelikula gaya ng One More Chance at A Second Chance nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz.
Right now, Bea is keeping herself busy taking care of her two kids with her non-showbiz husband.
Ruben Gonzaga
Mas nakilala si Ruben Gonzaga nang itanghal na Big Winner ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition Season 2.
Dating host si Ruben ng mga ABS-CBN Regional shows gaya ng Agri Tayo Dito.
Sa ngayon ay busy at naka-focus ngayon si Ruben sa kanyang pizza business sa Davao.
Ejay Falcon
Nagsimula ang showbiz career ni Ejay Falcon nang manalo sa Pinoy Big Brother Teen Edition Plus noong 2008.
Matapos ito ay bumida si Ejay sa ilang Kapanilya shows gaya ng Wansapanataym, Maalaala Mo Kaya, Pasion de Amor, at Sandugo.
Kamakailan ay kinumpirma ni Ejay sa isang interview na siya ay tatakbo sa local position sa kanyang hometown sa Oriental Mindoro sa paparating na halalan 2022.
Melai Cantiveros
Unang minahal ng publiko ang ngayon ay host at komedyanteng si Melai Cantiveros sa Pinoy Big Brother Double Up noong 2009.
Matapos manalo bilang Big Winner ay napanood si Melai sa mga Kapamilya shows gaya ng Kokey @ Ako at 100 Days to Heaven.
Naging host din si Melai sa morning show na Umagang Kay Ganda at ngayon ay kasalukuyang isa sa mga momshies at hosts ng Magandang Buhay.
Kilalanin pa sila rito sa episode ng Pushpins.
Anong masasabi ninyo sa mga Pinoy Big Brother Big Winners?