Sen. Tito Sotto shares secret to 52-year marriage with Helen Gamboa: ‘Ilagay mo sa pedestal yung asawa mo’

Dalawang beses ikinasal sina Tito Sotto at Helen Gamboa.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/01/2021 12:23 PM
Sen. Tito Sotto shares secret to 52-year marriage with Helen Gamboa: ‘Ilagay mo sa pedestal yung asawa mo’
Photo Credit: @helengamboasotto Instagram

Sina Senator Tito Sotto at Helen Gamboa ang isa sa mga ideal showbiz couples. Ikinasal sila noong September 22, 1969 at katatapos lang mag-celebrate ng kanilang 52nd wedding anniversary. Sa tagal ng kanilang pinagsamahan ay hindi nalagay sa alanganin ang kanilang relasyon.

Sa simpleng kumustahan namin with the Senate President few days ago kasama ng ilang entertainment press ay ibinahagi ng dating aktor ang sikreto ng pagkakaron nilang mag-asawa ng matagumpay at matatag na relasyon.

“First of all, siguro because we’re both Christ-centered. Pareho kaming relihiyoso, relihiyosa, isang bagay yon,” simulang pagbabahagi ng senador who is eyeing for the vice presidency position in the country.


Another actor turned politician: Ejay Falcon tatakbong vice governor ng Oriental Mindoro

Patuloy ni Tito Sen, “Pangalawa, talagang meron kami nung give and take. Of course, pag nakaharap siya sasabihin niya pantay yung give and take namin pero ang totoo no’n lamang ako sa give. Hahaha! Dahil minsan kahit hindi na siya yung nasa lugar nagsosori pa rin ako. Hahaha!”

Importante rin daw na panatilihin ang humor sa isang relasyon.

“Siguro God-given gift din na ganun, at nagpapasalamat kami na yung trato namin sa isa’t isa hindi naman nagbago. Baligtad nga, eh, pag sinasabi ko ‘to nagagalit yung mga anak ko, eh.

“Sinasabi ko, ‘Eh, kasi yung mommy n’yo in love na in love pa rin sa akin.’ Nagbibiruan kami at hindi nawawala ang biruan sa amin, malaking bagay yon.

“Bukod sa give and take, as much as possible kaming mga lalaki, ang attitude ko kasi kailangan mapagbigay ka. Ilagay mo sa pedestal yung asawa mo. Kailangan okey lang kung siya palagi ang tama. Ganun yung mentality ko, eh,” pagdedetalye pa ng vice president wannabe.

READ: Vic Sotto nagbabala sa nagpapakalat ng fake news

Ibinalita rin ng actor/TV host sa press na okey ang health condition ngayon ni Helen. Matatandaang may ilang TV project na tinurn-down ang aktres dahil yon ang payo ng kanyang doctor.

“Okey na siya. Her doctor kasi during that time advised her na baka maging too strenuous sa kanya ang mag-taping,” kuwento niya.

“During  that time she was having some therapies. Okey naman siya non, pero hindi siya masyadong… ang doctor niya masyadong maraming sinasabi na ganito, ganyan.

“She was discouraged by her doctor to work, especially strenuous na drama. Alam n’yo naman pag nagdrama yon damang-dama. Matinding umiyak, eh, di ba?” sabi ulit ni Tito Sen.

Nagkaroon din ng offer si Helen sa ABS-CBN to do a soap pero hindi niya raw ito tinanggap dahil sa present situation na laganap ang COVID-19 virus.

“Yung ABS-CBN before nawala yung franchise may offer din sa kanya. As a matter of fact, merong offer ulit ngayon, ang problema ayaw niya na i-lock-in siya.

“Ayaw niya nung naka-bubble (sa taping). Pero puwede siya kung tutuusin, kaya niya ngayon kasi yung doctor niya allowed her to do so. Pero siya nga mismo ang may ayaw.

“Tinatanong niya ako kung papayag ako, sabi ko, ‘Hindi, ayoko!’ Mahirap yon naka-lockdown ka no’n isang buwan, di ba, kung ilang linggo yon?’ Siya rin mismo ang ayaw no’n  that’s the reason kaya wala siyang ginagawa,” desisyon ng mag-asawa.

Samantala, binalikan naman ni Tito Sen kung paano nagsimula ang love story nila ni Helen.

“Ang plano namin kasi, September 21, 1969 nang gabi nag-uusap kami sa telepono ang plano ko nung gabi na yon ay susunduin ko lang siya patakas pag tulog na silang lahat (parents ni Helen) ida-drive ko papunta kami ng Sto. Tomas Batangas may  kausap akong judge doon.

“Hinanda ko na yung mga papeles namin, sabi ko, ‘Punta tayo doon pakasal na tayo tapos iuuwi kita agad. So pag gising nila ng madaling araw nando’n ka na sa bahay hindi pa halata.’ Ang bilis lang nung araw. Wala naman trapik masyado yon from White Plains to Sto. Tomas Batangas.

“Tumalon siya sa bakod, tahimik at talagang ipinagdarasal niya na sana huwang siyang mahuli. Yung mga aso nila talagang hindi rin tumahol, walang nakapansin, so nung hindi niya mabuksan ang gate tumalon siya sa bakod.

“Pagdating namin ng Sto. Tomas yung judge wala. Wala namang cellphone nung araw, eh, madaling araw na ng September 22. So sa tulong ng isang kaibigan kinatok namin yung pari don sa Sto. Tomas. Okey naman siya, nakisama naman, tapos ikinasal na kami. Ang problema, hindi ko na siya kayang ibalik nang maaga kasi umaga na, hinahanap na siya at galit na galit na,” pagbabalik-tanaw ng mister ni Helen.

Twice ikinasal sina Tito Sen at Helen. Ang una ay noong 1969 na sinundan naman nung 1971.