PANOORIN: Neri Naig, ipinasilip ang wedding reception ng bride na na-scam

Engrande ang naganap na kasal ng na-scam na bride. 

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

10/01/2021 07:21 PM
PANOORIN: Neri Naig, ipinasilip ang wedding reception ng bride na na-scam
Photo credit: @mrsnerimiranda IG

Ibinahagi ni Neri Naig ang isang video kung saan makikita ang naganap na wedding reception para sa babaeng na-scam sa Cebu City. 

Sa isang Instagram post, binati ni Neri ang mag-asawa sa naganap na wedding reception. 

Saad ni Neri sa caption ng kanyang post: “Congratulations and Best Wishes, Cherry Pie and Arniel!”  


Dagdag pa nito: “Nakakakilig at nakakatuwa na panuorin na ang gaganda ng mga ngiti nyong mag-asawa. Heto na ang inaabangan nating reception. Natuloy na!” 

Scammed bride finally gets a wedding reception after Neri Naig volunteers to help her

Samantala, pinasalamatan ni Neri ang mga taong naging bahagi upang mangyari ang inaabangan na kasalan gaya ng reception venue.  

“Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng tumulong sa amin ng aking partner @jonahcbautista,” ani Neri.  

Pinasalamatan din ni Neri ang iba pang mga tao na naging bahagi ng pagdiriwang ng mag-asawa.  

Tingnan ang post ni Neri sa ibaba:  

 

 

Samantala, nangyari ang nasabing reception noong nakaraang Linggo lamang. Labis naman ang tuwa ni Neri lalo pa’t masayang-masaya umano ang bride. 

"Deserve ng lahat ng kababaihan na maging mala prinsesa sa kanyang kasal. Minsan lang 'to! Siyempre ang pinakamahalaga yung nagmamahalan sila ng kanyang kabiyak. Simple man ang reception o magarbo, ang importante ay kung ano ang laman ng kanilang mga puso," ani Neri sa caption ng kanyang post.  

Ani Neri, ginawa niya ito dahil alam niyang walang bride ang gustong ma-stress sa sarili nilang kasal.   

 

 

"Bilang naging bride din ako, ang pinaka ayaw natin ay mastress sa mismong kasal natin. Kahit lahat ng tao sa paligid natin, di tayo dapat binibigyan ng stress," ani Neri.