• Home
  • Fresh Scoops
  • Tuluyan nang namaalam ni Kuya Kim Atienza sa Kapamilya network. 

PANOORIN: Kim Atienza, emosyonal na namaalam sa ABS-CBN

Tuluyan nang namaalam ni Kuya Kim Atienza sa Kapamilya network. 

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

10/01/2021 09:05 PM
PANOORIN: Kim Atienza, emosyonal na namaalam sa ABS-CBN

Naging emosyonal ang naging pamamaalam ng Kapamilya TV host na si Kim Atienza sa ABS-CBN.  

Opisyal nang namaalam si Kim Atienza sa ABS-CBN matapos ang kaliwa’t-kanang espekulasyon tungkol sa kanyang paglipat.  

Sa TV Patrol, pinasalamatan ni Kuya Kim ang mga taong nakasama niya sa loob ng 17 taon.  


Nagpasalamat din si Kim sa lahat ng mga taong sumuporta sa kanya kabilang na ang mga madalang pipol ng It’s Showtime kung saan napanood siya ng maraming taon.  

Panoorin ang kanyang emosyonal na pamamaalam sa ibaba:  

Samantala, naglabas naman ng pahayag ang ABS-CBN News kaunay sa pag-alis ni Kim sa It’s Showtime

“Nagpaalam na ngayong araw (Oktubre 1) si Kim Atienza sa mga tagapanood ng TV Patrol pagkatapos ng maraming taon niyang paghahatid ng ulat panahon sa programa,” saad ng ABS-CBN News sa pahayag nito.  

“Walang dudang tumatak na ang pangalan ni Kuya Kim sa mga manonood.  Maituturing nang isang icon si Kuya Kim sa larangan ng telebisyon sa Pilipinas, gaya ng sinundan niya sa aming primetime newscast na si Ernie Baron,” dagdag pa ng ABS-CBN News. 

 “Sa loob ng 17 taon, nagbahagi siya ng kaalaman at tuwa sa aming manonood, maging sa mga kabataang Pilipinong natuto sa kanilang pagsubaybay sa kanya sa Matanglawin,” pagpapatuloy pa ng pahayag.   

Partikular na nagpasalamat ang ABS-CBN News sa dedikasyon ni Kuya Kim sa kanyang trabaho sa loob ng halos dalawang dekada.  

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by ABS-CBN PR (@abscbnpr)

 

“Nagpapasalamat kami sa dedikasyon at pagmamahal na ipinamalas niya sa kanyang trabaho, at higit sa lahat, sa kanyang serbisyo sa mga Pilipino.  Mananatili kang Forever Kapamilya, Kuya Kim,” ani ng ABS-CBN News.