• Home
  • Fresh Scoops
  • Gumaling na sa COVID-19 ang dating child star na si Trina Legaspi, o mas kilala bilang si “Hopia”, at ang pamilya nito.

Matapos gumaling sa COVID-19, Trina Legaspi hinikayat ang fans na magpabakuna

Gumaling na sa COVID-19 ang dating child star na si Trina Legaspi, o mas kilala bilang si “Hopia”, at ang pamilya nito.

BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

10/01/2021 12:05 PM
Matapos gumaling sa COVID-19, Trina Legaspi hinikayat ang fans na magpabakuna
Photo Credit: @trinalegaspi Instagram

Gumaling na sa COVID-19 ang dating child star na si Trina Legaspi, o mas kilala bilang si "Hopia", at ang pamilya nito.

Sa Instagram nitong Huwebes, Setyembre 30, pinasalamatan ni Trina ang lahat ng mga nagpaabot ng tulong at nanalangin para sa agarang paggaling ng kanyang pamilya.

 


 

"Hello! I’m medyo BACK! I survived COVID-19!! Grabe ‘yung experience na ito, mas napalapit kaming family kay Lord!" aniya.

"Maraming salamat po sa mga nagdasal ng aming kagalingan, binabasa ko po isa-isa ‘yung mga DM niyo sa akin, ‘di lang po ako maka-reply sa lahat pero salamat po! Maraming maraming salamat din po sa mga kapamilya at kaibigan na nag-abot ng tulong pinansyal, pagkain, oxygen tanks at supplies dito sa bahay. Nagpapagaling na po kaming family! Thank God!" dagdag niya.

Setyembre 20 noong nanghingi ng dasal si Trina mula sa kanyang mga tagahanga matapos ibahagi na nag-positibo sila ng kanyang pamilya sa COVID-19.

 

 

Sa Instagram Stories, nag-post ang aktres ng retrato kung saan makikitang naka-isolate silang mag-anak sa isa't isa.

"We receive brand new lungs from the Lord! Be healed! In Jesus’ Name!” ani Trina. 

Trina Legaspi seeks prayers as family contracts COVID-19

Sa hiwalay na update, sinabi ng aktres: "Praying for complete healing from COVID-19 for my family and financial provision! We believe gagaling kami, and God, you will provide for us!”

Ayon sa doktor ng pamilya na si Noel Maninang, anim sa pamilya ni Trina ang nagkaroon ng  moderate na kaso ng COVID-19.

BASAHIN: Trina Legaspi seeks prayers as family contracts COVID-19

Samantala, sa kanyang bagong post ay ipinalalahanan ni Hopia ang lahat na mag-doble ingat sa COVID-19.

Hinikayat din niya ang mga ito na kung may pagkakataon ay magpabakuna na laban sa nasabing virus.

"Sa ngayon po, mag-doble ingat po tayong lahat, lalo na ngayon kumakalat pa rin ang Delta variant," aniya.

"Malaking bagay po ang bakuna, lahat po kami bakunado at napalaking tulong nito na hindi umabot sa severe case ang buong family ko. Kaya please be vaccinated kahit anong brand pa ‘yan!" dagdag niya.

Unang nakilala si Trina bilang cast member ng kiddie gag show na Goin' Bulilit. Huli siyang napanood sa series na Bawal Lumabas noong 2020. 

Sa ngayon, mahigit sa 24 milyon na ang nabakunahan ng first dose, habang 21 milyon naman ang naibakuna sa second dose.