• Home
  • Fresh Scoops
  • Natangayan ng ilang gadgets ang pamilya ng aktor na si Xian Lim matapos looban ang kanilang bahay sa Antipolo, Rizal nitong linggo.

Bahay ni Xian Lim, nilooban

Natangayan ng ilang gadgets ang pamilya ng aktor na si Xian Lim matapos looban ang kanilang bahay sa Antipolo, Rizal nitong linggo.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

01/08/2021 09:16 PM
Bahay ni Xian Lim, nilooban
Photo credit: @xianlimm IG

Natangayan ng ilang gadgets ang pamilya ng aktor na si Xian Lim matapos looban ang kanilang bahay sa Antipolo, Rizal nitong linggo.

Kwento ni Xian, nadatnan na lamang niyang basag ang salamin ng kanilang bintana at sira na rin ang metal grills nito nang umuwi siya sa kanilang bahay noong isang araw. 

"The other day, I came home and witnessed a nightmare. I saw that a couple windows were shattered, metal grills hammered and filled down. Pagbukas ko ng pintuan, they left a piece of cloth in the front door (I guess to let me know that the place was robbed prior to entering? I'm not really sure.)" ani Xian sa kanyang Instagram post nitong Biyernes, Enero 8.


 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Xian Lim (@xianlimm)

 

"I looked around and saw that all the TVs and computers are gone. They also left two planks with nails sticking out. (I'm assuming that this is what they used to break the windows and the locks in the door. Could also be used as a weapon? I don't have answers.)" patuloy niya.

Ani Xian, tinatayang apat na katao ang nanloob sa kanilang bahay. Nakapagsampa na rin umano ang kanyang pamilya ng reklamo ukol sa nasabing insidente.

Ayon sa aktor, ito umano ang dahilan kung bakit hindi siya aktibo sa kanyang social media accounts nitong mga nakaraang araw. 

"I was really struggling to decide if I should make a post about this or not. I still don't know if this would be a right decision but I feel that it is my duty and obligation to let my followers know what it is I've gone through or what is currently happening and hopefully, maybe we can learn a thing or two from the decisions made and moments experienced," sabi niya.

Sa huli, sinabi ni Xian na nagpapasalamat pa rin siya at wala umano sa kanyang pamilya ang nasaktan sa insidente. 

"At first, there was nothing but fear and hatred running through my me. I feared for my life, my mom, lola and lolo... as time passed by, I became grateful that no one was hurt," sabi niya.

Nagbigay din siya ng mensahe sa mga kawatan na nilooban ang kanilang bahay.

"At this point, I hope na kung sino man ang nanghimasok at nagnakaw ng mga kagamitan dito sa amin ay magamit mo ang perang yan para mapakain ng husto ang pamilya. Diyos na ang bahala sa inyo," pagtatapos niya.