• Home
  • Fresh Scoops
  • Tumulo ang mga luha ni Elisse Joson sa naging sorpresa ni McCoy de Leon para sa kanya.

PANOORIN: Elisse Joson, naging emosyonal sa sorpresang inihanda sa kanya ni McCoy de Leon

Tumulo ang mga luha ni Elisse Joson sa naging sorpresa ni McCoy de Leon para sa kanya.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

01/07/2021 04:33 PM
PANOORIN: Elisse Joson, naging emosyonal sa sorpresang inihanda sa kanya ni McCoy de Leon
Screenshot from @elissejosonn Instagram

Hindi napigilang maiyak ni Elisse Joson sa sorpresang inihanda sa kanya ni McCoy de Leon para sa kanyang kaarawan. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Elisse Joson (@elissejosonn)


 

Sa Instagram, ibinahagi ni Elisse ang video kung saan makikitang kumakanta si McCoy habang isa-isang lumalabas ang mga litrato at video na kuha mula sa masasayang sandali nilang dalawa na magkasama. 

Sa nasabing video, sunod-sunod ding nagbigay ng mensahe ang ilan sa mga malalapit na kaibigan ni Elisse sa industriya gaya nina Alexa Ilacad, Sofia Andres, at DJ Chacha. 

“Deserve mo lahat ng happiness and blessings na meron ka because you are a good person and a good daughter,” ani DJ Chacha. 

Dagdag ng radio host: “Ipon muna kayo ni McCoyski bago magdesisyun kung ano man ang future plans niyong dalawa.” “I wish you happiness and peace of mind and of course, good health.”

READ: Elisse Joson gets early birthday surprise from fans

Nagbigay din ng mensahe si McCoy, na sinabing ang tanging gusto niya lang ay ang maging masaya ang aktres at mahal na mahal niya umano ito. 

"Hindi ko alam ang sasabihin ko, kung ano lang talaga 'yung nasa loob ng puso ko ang sasabihin ko. Marami kaming nagmamahal sa iyo. Ngayong birthday mo, gusto ko happy ka. Gusto ko lahat ng best para sa iyo. I love you so much, I love you. I love you," mensahe ni McCoy para kay Elisse. 

Nang tanungin ni McCoy si Elisse kung bakit ito umiyak, sagot ng aktres: “Thank you. Happy ako, promise.” 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Elisse Joson (@elissejosonn)

 

Samantala, sinabi naman ni Elisse sa caption ng kanyang Instagram post na bagama’t kasalukuyan silang magkalayo ni McCoy, pinasaya pa din siya nito sa araw ng kanyang kaarawan. 

“I wasn't gonna post this but it really made my day. A meaningful birthday gift from miles away. (Iyakin talaga ako pero tears of joy),” ani Elisse. 

Sa nasabing post, pinasalamatan din ni Elisse ang kanyang mga kaibigan na naging bahagi ng video. 

“Maraming salamat din sa mga kaibigan ko na naging parte ng video na ‘to. It really means a lot seeing your greetings. Mahal ko kayo,” ani Elisse. 

Bagama’t nagsimula bilang love team sina McCoy at Elisse habang nasa loob ng Pinoy Big Brother house noong taong 2016, nauwi din sa totohanan ang dalawa. 

2018 naman nang maging usap-usapan ang hindi pagkakaintindihan nina McCoy at Elisse na tuluyang nauwi sa hiwalayan. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Mccoy De Leon (@mccoydeleon)

 

Nitong Agosto lamang, naging maingay na nagkabalikan na nga ang dalawa matapos kumalat ang litrato na hinahalikanni McCoy si Elisse sa noo. 

READ: McLisse back together? McCoy de Leon, Elisse Joson spark reconciliation rumors with IG post

Nagkasama ang dalawa sa iba’t-ibang proyekto kabilang na ang Black Sheep film na “Sakaling Maging Tayo.”