• Home
  • Fresh Scoops
  • Magkakahalong emosyon ang nararamdaman ng aktor sa pagdating ni Baby Jude sa kanilang buhay.

Markus Paterson, nagbago ang priorities sa pagdating ni Baby Jude

Magkakahalong emosyon ang nararamdaman ng aktor sa pagdating ni Baby Jude sa kanilang buhay.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

01/07/2021 10:48 AM
Markus Paterson, nagbago ang priorities sa pagdating ni Baby Jude
Photo Credit: @markus Instagram

Hindi maipaliwanag na pakiramdam ang ibinahagi ng aktor na si Markus Paterson sa bagong blessing sa kaniyang buhay.

Kasunod ito nang naging pagsasapubliko ni Markus at ng aktres na si Janella Salvador ng kanilang anak na si Baby Jude.

RELATED NEWS: Janella Salvador, Markus Paterson introduce baby in new vlog


Si Baby Jude ay isinilang nitong nagdaang Oktubre sa United Kingdom kung saan namalagi si Janella habang siya ay napabalita noong nagdadalang tao.

WATCH: Buntis nga ba si Janella Salvador? | PUSH Daily

Sa panayam ng online show na We Rise Together nitong Miyerkules, January 6, ikinuwento ni Markus ang mga nagbago sa kaniyang buhay simula noong oras na dumating sa kanila ni Janella si Baby Jude.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by markus (@markus)

 

 

"The moment na I saw him parang a whole wave just took over my body na parang lahat ng priorities ko ay nawala, went out of the window, like everything is now for him, forever will be for this little man that I'm holding in my arms,” kuwento ni Markus sa panayam ng We Rise Together.

Aniya, di niya maipaliwanag ang kaniyang nararamdaman na emosyon nang oras na masilayan ang kaniyang anak.

“Hindi ako naiyak, hindi ako natawa, parang nakatulala lang ako nakakatitig sa kanya for hours,” sabi pa ng first time dad.

At ngayong halos apat na buwan na nilang nakakasama ang kanilang first baby ni Janella, ibang iba pa rin para kay Markus ang makita ang mga ngiti sa labi nito.

“Like until now his smiles are the most beautiful thing in the world. Lahat ng hirap, lahat ng early morning wake up, sobrang worth it kapag nakita ko ang mukha niya. It's all about him na. It's crazy," pahayag pa ni Markus.