• Home
  • Fresh Scoops
  • Sumabak sa Jojowain o Totropahin Challenge ang aktres na si Claudine Barretto.

Jojowain o totropahin? Claudine Barretto on Gerald Anderson: ‘No comment’

Sumabak sa Jojowain o Totropahin Challenge ang aktres na si Claudine Barretto.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

01/07/2021 11:19 AM
Jojowain o totropahin? Claudine Barretto on Gerald Anderson: ‘No comment’
Screenshot from Janelle Jamer Official YouTube Channel and Photo Credit to @andersongeraldjr Instagram

Pinangalanan ng Optimum Star na si Claudine Barretto ang mga artistang willing siyang maging boyfriend. 

 

 

Sumabak sa “Jojowain o Totropahin Challenge” si Claudine kasama ang kanyang best friend na si Janelle Jamer. 

Dito, pinangalan niya ang mga artistang willing siyang jowain kabilang na ang aktor na si Carlo Aquino na aniya’y go siya kung ka-age niya. 

Paliwanag ni Claudine, pasado sa kanya ang kabaitan ni Carlo. “Kung ka-age ko si Carlo, jojowain kahit baby brother ang tingin ko sa kanya. Tsaka napakabait ni Carlo sobra.” 

READ: Claudine Barretto gears up for YouTube channel

Jojowain niya rin umano si Robin Padilla na aniya’y parehas na “keeper” at “gentleman.” 

“Kung walang Mariel ha. Utol ko ‘yan eh. Tropa ko na talaga ‘yan. Pero kapag talagang nakilala mo talaga siya, siya ‘yung tipong talagang keeper. Gentleman,” saad niya. 

 

 

Nabanggit din ang pangalan ng ex-boyfriend niyang si Eric Fructuoso na aniya’y totorapahin na lang siya dahil tapos na niyang maging jowa. 

“Jinowa ko na eh. Totrapahin ka na. Na-try ko nang jowain. Totropahin mo na ngayon,” sambit ni Claudine. 

Ilan pa sa mga artistang willing siyang jowain Enrique Gil, Jericho Rosales, Edu Manzano, Patrick Garcia, Zanjoe Marudo, Daniel Padilla, Robin Padilla, Richard Gutierrez, Richard Gomez, Cesar Montano, at Piolo Pascual. 

READ: Claudine Barretto reunites with Gretchen Barretto after 9 months: ‘I cried. Tears of joy’

Samantala, parehas sinabi ni Claudine na totropahin niya lang si Joshua Garcia na ex-boyfriend ni Julia Barretto pati na si Gerald Anderson na napapabalitang boyfriend ng kanyang pamangkin. 

Sambit ni Claudine nang tanungin tungkol kay Gerald: “No comment.”