• Home
  • Fresh Scoops
  • Isa nang ganap na ama si Markus Patterson sa partner nito na si Janella Salvador.

Markus Paterson, ipinaliwanag kung bakit itinago ang pagbubuntis ni Janella Salvador

Isa nang ganap na ama si Markus Patterson sa partner nito na si Janella Salvador.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

01/06/2021 03:58 PM
Markus Paterson, ipinaliwanag kung bakit itinago ang pagbubuntis ni Janella Salvador
Photo Credit: @superjanella Instagram

Sa naganap na episode ng online show na We Rise Together nitong Miyerkules, January 6, bumuhos ang pagbati para sa aktor na si Markus Paterson na isa nang ama ngayon sa kanilang baby ng partner na si Janella Salvador.

RELATED NEWS: Janella Salvador, Markus Paterson introduce baby in new vlog

Dito, hindi itinanggi ni Markus ang kaniyang naramdamang pangamba para sa kaniyang mag-ina bago ilantad sa publiko ang kanilang pagiging mga magulang.


 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by markus (@markus)

 

"Well 'yung proseso? Well, alam naman na one day we are going to release him to the world na sobrang natakot kami nung una because we knew that the world is very harsh and right now isn't the very best environment. Well, now it is. Kaya nga inilabas namin,” tugon ni Markus.

Aniya, choice nila ni Janella na pangalagaan at ingatan ang kanilang baby sa mga negatibong masasabi ng publiko.

“Pero noong una, talagang we want to shield him from everything and keep everything as quiet as possible," sabi pa niya.

Dito, nilubos na rin ni Markus ang pasasalamat sa mga malapit na kaibigan at piling tao na nakaalam nang pagdadalang tao ni Janella.

"Una sa lahat, shout out sa lahat ng close friends and family namin that kept the secret with us. That helped us throughout the journey. Pero 'yon he is out, he is happy, he is growing, he's fat and we are happy. And everything is beautiful," sabi pa ng aktor.

Ipinaliwanag rin ni Markus ang kanilang dahilan kung bakit nila napagdesisyunan ni Janella na ilantad ngayon ang kanilang baby.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by markus (@markus)

 

"I know it's such a beautiful way to start the year for me and for everybody else and we thought na 2021, fresh page na parang let's just leave everything out there," aniya pa.

Nagpaabot rin ng mensahe ng pasasalamat si Markus sa mga positibong komento na inani nang kanilang naging pag-amin at mga taong naka-intindi ng kanilang sitwasyon.

"Thank you to everyone who watched the video and joined our journey. Thank you for getting to know Jude, thank you for loving him. Also thank you for the understanding. Grabe, hindi talaga namin in-expect 'yung reaction na 'yon but I guess it was really the perfect time na matagal na ring nakaplano. We're just happy na maganda 'yung video, maganda 'yung introduction. I can't wait for Jude to watch it and appreciate it because I know he will, hopefully sana, baka magalit sa akin 'yan at sabihin ang corny ko. Sa lahat nang nanood at sumuporta sa kanya, sa amin- thank you lang ulit," pahayag ng aktor.

October 20 ng 2020, isinilang ni Janella ang bouncing baby boy sa United Kingdom.