• Home
  • Fresh Scoops
  • Binili ni Melai Cantiveros ang “dream car” ng kanyang mister na si Jason Franciso.

PANOORIN: Melai Cantiveros, sinorpresa si Jason Francisco ng bagong sasakyan

Binili ni Melai Cantiveros ang “dream car” ng kanyang mister na si Jason Franciso.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

01/05/2021 02:28 PM
PANOORIN: Melai Cantiveros, sinorpresa si Jason Francisco ng bagong sasakyan
Screenshot from Melason Official Youtube Channel

Sinorpresa ni Melai Cantiveros ang kanyang asawa na si Jason Francisco ng isang bagong sasakyan. 

 

 

Sa pinakabagong vlog ng Magandang Buhayhost, ipinakita niya ang mga naging kaganapan sa ginawa niyang sorpresa para sa kanyang asawa. 

Habang nasa biyahe sina Jason at Melai papunta sa clinic ni Dra. Vicki Belo, tinanong ng 32 anyos na Kapamilya talk show host ang kanyang asawa kung ano ang gusto nitong matanggap na regalo para sa Pasko. 

READ: Melai Cantiveros and Jason Francisco reveal their parenting style

Paulit-ulit na sinagot ni Jason si Melai ng aso. “Small na aso, medium na aso, at large na aso.” 

Hindi kalaunan ay sinabi ni Jason na gusto umano niya mag-travel nang tanungin muli siya ni Melai. 

Pero pag-amin ni Jason, mas gusto niya na siya ang nagbibigay kaysa siya ang binibigyan. “Gusto ko ako ang nagbibigay ng gift, ‘di ako ang binibigyan,” ani Jason. 

 

 

Nang maihatid na ni Jason si Melai, umuwi agad ito ng kanilang bahay at ang ang buong pag-aakala niya ay naroon lang sa Belo ang kanyang misis, na bumili na pala ng isang sasakyan. 

“Matagal na niya 'tong pinangarap at ang color na ‘to ay the best for him so I’m sure na magugustuhan niya ‘to,” saad ni Melai. 

Nang iabot na ang susi kay Jason, inamin nito na natutunugan na niyang bibigyan siya ng sasakyan ni Melai ngunit hindi pa siya sigurado noong una. 

READ: PUSH X LIFESTYLE: Melai Cantiveros shares tips on sustaining fun and warmth at home amid lockdown

“Wala akong masabi,” ani Jason nang tanungin ni Melai kung ano ang nararamdaman nito sa binigay sa kanyang regalo. 

“Kaya pala si Ate Lulu kunwari kinukuhanan ng video ‘yung daga. Kaya ako nagtataka bakit nakaharap sa akin ‘yung camera,” saad ni Jason. 

Biro naman ni Melai: “Kung akala mo [lang] … babayaran mo ‘yan monthly.”

Panoorin ang vlog sa ibaba: 

Samantala, dinepensahan naman ni Melai si Jason sa mga nagsasabi na tila wala umanong reaksiyong ang kanyang asawa sa nasabing sorpresa. 

“True blooded MelasonFans, kilala nyo po si Jason at alam nyong ganyan siya. ‘Wag na po hanapin ‘yung pang camera na reaction na surprise heheh. Na surprise naman talaga sya at masayang masaya,” saad niya.

 

 

2013 nang ikasal sina Melai at Jason na unang nagkakilala noong taong 2009 sa loob ng Pinoy Big Brotherhouse. Biniyayaan naman ng dalawang anak na babae ang mag-asawa.