• Home
  • Fresh Scoops
  • Bukod sa bagong sasakyan, magpapatayo na rin ng bagong bahay si Kristel Fulgar.

PANOORIN: Kristel Fulgar, ipinasilip ang lupang pagtatayuan ng bagong bahay; biniling bagong sasakyan

Bukod sa bagong sasakyan, magpapatayo na rin ng bagong bahay si Kristel Fulgar.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

01/05/2021 10:17 AM
PANOORIN: Kristel Fulgar, ipinasilip ang lupang pagtatayuan ng bagong bahay; biniling bagong sasakyan
Screenshot from KrisTells Vlogs YouTube Channel

Tuloy-tuloy ang pagbuhos ng biyaya para sa dating Goin’ Bulilit star at vlogger na si Kristel Fulgar na ipapatayo na ang kanyang bagong bahay ngayong taon. 

 

 

Sa kanyang pinakabagong vlog, ipinasilip ni Kristel ang ilan sa mga bagay na naganap sa kanyang buhay sa huling buwan ng taong 2020.

Ani Kristel, excited na siyang ipatayo ang kanyang bagong buhay. 

“Bago po tayo pumunta sa party, ipapasilip ko po sa inyo ‘yung lupang pagtatayuan ng bahay ko next year,” ani Kristel bago ipasilip ang pwesto ng bahay niya. 

READ: Kristel Fulgar celebrates 26th birthday amid pandemic

Sa nasabing vlog, ipinasilip ni Kristel ang naging selebrasyon niya kamakailan ng ika-26 niyang kaarawan na ipinagdiwang niya kasama ang kanyang mga malalapit na kaibigan. 

Kasama sa naging selebrasyon niya ang kanyang kaibigan at love team partner na si Benedict Cua at best friend na si Sue Ramirez. 

 

 

Dito, ipinasilip din ni Kristel ang kanyang biniling bagong sasakyan kasama ang kanyang ina. 

“Kailagan din kasi ng sasakyan lalo na ‘pag nagbukas na ‘yung coding ulit, ‘di ba, next year? So balita namin next year magkakaroon na ulit ng coding,” ani Kristel. 

READ: Kristel Fulgar to star in a mini-series with Benedict Cua she wrote and directed herself

“Napilitan kaming kumuha nito kasi ang laki ng discount,” paliwanag ng ina ni Kristel. 

Dagdag pa ni Kristel: “‘Yung dati ko kasing sasakyan na ginagamit pang coding ginagamit na ng ate ko ngayon. So ngayon, naka-sale ‘yung sasakyan dito … dalawa naman ‘yung garahe na ipapagawa ko du’n sa bahay eh kasya naman silang dalawa.” 

 

 

Samantala, nilinaw naman ni Kristel na ginawa niya ang vlog na ito hindi upang magmayabang kundi para ibahagi ang mga natanggap niyang biyaya noong nakaraang taon. 

“Masaya ako na i-share sa inyo ‘yung mga bagay [at] mga blessings na natanggap ko sa year 2020,” ani Kristel. 

Pagpapatuloy ni Kristel: “Lahat tayo dumaan sa pandemic — buong mundo. Hindi madali ang pinagdaanan natin. Bawat isa sa atin meron naging problema. Naka-survive tayo sa 2020.”

 

 

Mensahe naman ni Kristel: “Hopefully sa 2021, ito na ‘yung time para makabangon tayong lahat.” 

Panoorin ang vlog ni Kristel sa ibaba: 

Ani Kristel, proud siya na na nairaos niya ang taong 2020 kung saan nabuo niya ang digital series na Luv Express kasama si Benedict Cua. Masaya rin umano siya dahil naging malugod ang pagtanggap nila sa karakter niya bilang si Tellygurl.