• Home
  • Fresh Scoops
  • Wala umanong katotohanan ang mga paratang kay DJ Loonyo na ginamit lamang niya si Ivana Alawi para sumikat.

DJ Loonyo, itinangging ginamit lamang niya si Ivana Alawi at pinaasa ang mga fans nila

Wala umanong katotohanan ang mga paratang kay DJ Loonyo na ginamit lamang niya si Ivana Alawi para sumikat.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

01/05/2021 05:58 PM
DJ Loonyo, itinangging ginamit lamang niya si Ivana Alawi at pinaasa ang mga fans nila
Photo credit: @ivanaalawi @djloonyo IG

Nagsalita na ang social media star na si DJ Loonyo matapos umani ng batikos mula sa mga netizens kamakailan dahil umano sa panggagamit niya sa aktres na si Ivana Alawi. 

 

 

Nitong nakaraang linggo, nanawagan ang mga fans ni Ivana Alawi na i-boycott si DJ Loonyo dahil pahayag na binitawan nito sa mga tagahanga ng Kapamilya star. 

“Wala akong dapat ipagpasalamat sa inyo,” ani umano ni DJ Loonyo sa nasabing tweet. 

Kaya naman sunod-sunod ang naging tweets ni DJ Loonyo kung saan nilinaw niya ang mga paratang sa kanya ng fans. 

Ivana Alawi to DJ Loonyo: ‘Napi-picture mo na ba buhay mo sakin?’

Panimula ni DJ Loonyo: “Excuse me, paisa lang mga kapatid. Bagong taon na, 
let’s raise our vibrations.” 

Dagdag pa niya: “Let’s check our hearts. Sana mabigay niyo sakin yung privacy na hinihingi ko, siguro deserve ko naman ‘yun.”

 

 

Saad pa ng vlogger, mataas ang respeto niya sa kanyang fans kaya hinding-hindi niya umano ito magagawa. 

 

 

“Mataas ang respeto ko sa fanverse na ‘to, kaya sana ganun din tayo sa isa’t isa,” ani DJ Loonyo. 

“Again, 3 times, tatlong beses ako nagclear out and nagbigay ng statement. It’s more than enough. God bless us all and all the best for 2021,” dagdag pa niya. 

 

 

Kaya naman pinabulaanan ni DJ Loonyo ang mga kumakalat na bali-balita na ginamit lamang umano niya ang mga tagahanga nila ni Ivana. 

“And if gamitan issue? Never ko ko kayo ginamit, kayo po ang sumuporta at sinuklian ko ng talento at pagmamahal, pagkilala, niyakap kahit grabeng pambabasag ginagawa sa inyo,” ani DJ Loonyo. 

Dagdag pa niya: “Pagmamahal nalang, walang bubong ‘yun.”

 

 

Kasunod ng mga akusasyon na ginamit niya si Ivana, paglilinaw nito: “And kung may pagbabago man sa mga salitang nasabi ko before? Lahat naman siguro tayo dumaan sa pagsubok ng pagmamahal, ‘di lahat nananalo sa ganung landas.” 

Ivana Alawi on collaborating with DJ Loonyo: 'Girls, hindi ko siya aagawin sa inyo'

Pagpapatuloy pa niya: “We try our best at some point pero we move on pag alam nating di para satin. Kaya may acceptance.” 

 

 

Sa mga nagsasabing wala umano siyang pasasalamat, sagot ni DJ Loonyo: “Last, first time ko ‘to ginawa sa Twitter. Never ko kakalimutan ang salitang ‘Gratitude’ kase matagal ng nakatatak yan sa puso ko kaya an jan parin mga taong kasama ko simula noon. In short, never ko kayong kakalimutan.”

 

 

Paglilinaw ni DJ Loonyo, wala siyang pinaasa dahil nilinaw na niya na walang namamagitan sa kanila ni Ivana. 

“Sige nga, resibo after nung kumu live naming dalawa or statement ko sa kumu na siguro dun nalinaw naman na ‘walang kame’ at hanggang pagkakaibigan nalang, tapos kay Tim Yap, saan ako nagpaasa?”

 

 

Sinabi naman ni DJ Loonyo na naiintindihan niya ang saloobin ng kanilang mga tagahanga. 

“Again naiintindihan ko mga nararamdaman niyo, sobra. Kaya positive vibes lang ‘to na explanation. Words of wisdom po, para sa buhay po ‘yun. Mga pinaniwalaan kong nagdala sa akin sa puntong ‘to. ‘Di po sa specific sector ng buhay or love life kung tawagin,” aniya. 

 

 

Matagal nang magkakilala sina DJ Loonyo at Ivana Alawi ngunit muli silang nag-usap at nag-reconnect matapos ang ilang taon.