• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi umano inaasahan ni Jodi Sta. Maria na magkakaroon na ng girlfriend ang kanyang kinse anyos na anak.

Anak ni Jodi Sta. Maria na si Thirdy may girlfriend na; walang balak pasukin ang showbiz

Hindi umano inaasahan ni Jodi Sta. Maria na magkakaroon na ng girlfriend ang kanyang kinse anyos na anak.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

01/05/2021 02:37 PM
Anak ni Jodi Sta. Maria na si Thirdy may girlfriend na; walang balak pasukin ang showbiz
Photo Credit: @jodistamaria Instagram

Tunay na nga naman na mabilis ang takbo ng panahon dahil mayroon nang girlfriend ang kinse anyos na anak ni Jodi Sta. Maria na si Thirdy. Ngunit ano nga ba ang naging reaksiyon ng Kapamilya star nang malaman niyang may kasintahan na ang kanyang unico hijo? 

 

 

Sa pinakabagong vlog ng bida sa seryeng Ang Sa Iyo Ay Akin, sinagot nila ng anak niyang si Thirdy ang ilan sa mga tanong na ipinadala sa kanila ng mga netizens sa Twitter. 

Sa nasabing vlog, sumabak sa isang challenge si Thirdy kung saan siya mismo ang naglagay ng makeup sa kanyang ina habang sinasagot nilang mag-ina ang mga katanungan ng kanilang mga tagahanga. 

READ: Jodi Sta. Maria’s son Thirdy wows with ripped physique

“Ito na ‘yung pagkakataon namin na masagot ‘yung mga questions na pinost ninyo,” panimula ni Jodi. 

Bagama’t aminado si Jodi na napaghandaan niya ang pagkakaroon ni Thirdy ng girlfriend, hindi niya umano inaasahan na magiging ganoon kabilis ang mga pangyayari. 

“Alam ko naman na darating ‘yung time na magkakaroon ng girlfriend si Thirdy,” ani Jodi. 

Dagdag pa niya: “It came as a surprise lang to me dahil parang hindi ko ini-expect na ito na, agad-agad, now na! Mas na-surprise, iyon ‘yung aking initial reaction.”

Sinabi naman ni Jodi na wala siyang nararamdamang selos ngayong may girlfriend ang kanyang anak at sinabing: “Hindi naman ako nakakaramdam ng selos.” 

Panoorin ang vlog sa ibaba: 

Samantala, hindi naman napigilan ni Thirdy na maging emosyonal nang tanungin kung aling bagay na hindi niya pa naibibigay ang nais niyang ibigay sa kanyang ina. 

“Si Mommy, deserve niya ‘yung buong mundo … kasi lahat ng sacrifices ni Mommy para sa akin, hindi ko magagawa iyon para sa kaniya eh,” ani Thirdy. 

Dagdag pa ni Thirdy, tinuturing niyang superhero ang kanyang ina na aniya’y nagtatrabaho para lamang may mailagay sa kanilang mesa. 

“Si Mommy, nag-wo-work palagi. Ngayon ngang may COVID, kaysa mag-rest siya, nag-wo-work hard siya para sa amin, para may malagay sa table namin. ‘Yung mga mommy talaga, para silang superheroes.”

READ: Jodi Sta. Maria introduces ‘new babies’

Hindi naman napigilan ni Jodi na makaramdam ng saya tungkol sa mga binitwang salita ng kanyang anak at sinabing: “It’s very affirming what you said, anak, and validating.”

Aniya pa: “Iyong alam mo na may nagagawa kang tama para sa anak mo, para sa pamilya mo.”

Nang tanungin kung paano niya ilalarawan ang kanyang ina sa tatlong salita, saad ni Thirdy: “Sobrang loving care, at the best.” 

 

 

Payo naman ni Jodi kay Thirdy: “I would always tell him talaga na it’s important to love and respect people regardless of kanilang gender kasi lagi kong sinasabi sa kanya na each person is really from the image and likeness of God.” 

Samantala, diretsahan namang sinagot ni Thirdy ang tanong tungkol sa pagpasok sa showbiz. 

“Never,” aniya. “Kasi hindi ko ‘yun trip.” 

Si Thirdy ay anak ni Jodi sa ex-husband na si Pampi Lacson.