• Home
  • Fresh Scoops
  • Looking forward ang maraming netizens sa pag-amin ni Alex Gonzaga sa kaniyang vlog.

Alex Gonzaga, ikinasal na nga ba kay Mikee Morada?

Looking forward ang maraming netizens sa pag-amin ni Alex Gonzaga sa kaniyang vlog.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

01/05/2021 04:43 PM
Alex Gonzaga, ikinasal na nga ba kay Mikee Morada?

Hindi nakalagpas sa mata ng netizens ang tila makinang na singsing ng na suot ng fiancé ng TV host vlogger na si Alex Gonzaga na si Mikee Morada.

Sa isang Instagram video post ni Alex nitong weekend, makikita ang tila makinang na tila wedding ring na suot ni Mikee sa kaniyang kanang daliri habang umiinom ito ng milktea na negosyo nang magkapatid na Gonzaga.


Matatandaan na Oktubre ng 2020, kasabay nang pag-amin ni Alex sa pagkakaroon niya ng COVID-19, isa rin sa nabangit ng TV host sa kaniyang vlog ang plano sana nilang kasal ng fiancé noong 2020 na naudlot dahil sa kanilang pagkakasakit.

RELATED ARTICLE: Alex Gonzaga, parents contracted COVID-19: ‘Nagkaroon ng outbreak sa aming bahay’​

Sumunod na buwan ng pag-amin ni Alex sa lagay ng kanilang kalusugan, tila nagkaroon naman ng pagkakataon ang nakakatandang kapatid ni Alex na si Toni Gonzaga na muling makita ang kanilang ina na si Mommy Pinty.

 

 

Bukod dito, tila naging bukas naman si Alex sa kaniyang vlog kung saan ipinasilip niya ang ipinapagawang bahay nila ng fiancé na si Mikee.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Alex Gonzaga (@cathygonzaga)

 

Hindi man kumpirmado sa ngayon, inaasahan na darating ang pagkakataon na ibabahagi rin ni Alex ang latest development sa kanilang relasyon ng soon-to-be husband niya na si Mikee Morada sa pamamagitan ng kaniyang vlog.