• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagkita na sina Willie Revillame at ang bago nitong apo — ang anak nina Meryll Soriano at Joem Bascon.

TINGNAN: Willie Revillame, na-meet na ang anak nina Meryll Soriano at Joem Bascon

Nagkita na sina Willie Revillame at ang bago nitong apo — ang anak nina Meryll Soriano at Joem Bascon.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

01/04/2021 08:09 PM
TINGNAN: Willie Revillame, na-meet na ang anak nina Meryll Soriano at Joem Bascon
Photo Credit: @planetumeboshi on IG

Nagkita na si Willie Revillame at ang kanyang pangalawang apo nito sa anak na si Meryll Soriano.

 

 

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Meryll ang larawan kung saan makikitang karga-karga ng kanyang ama ang bagong silang niyang sanggol sa partner na si Joem Bascon.

Read: Meryll Soriano at Joem Bascon, ipinakilala ang kanilang anak

With Lolo,” saad sa caption ni Meryll sa nasabing litrato kung saan kitang-kita ang lubos na kasiyahan ng kanyang ama.

Tingnan ang larawan sa ibaba:

 

 

Maliban kay Willie, binisita din ng tiyahin ni Meryll — ang isa sa mga bida sa seryeng Ang Sa Iyo Ay Akin na si Maricel Soriano— ang anak cute niyang anak.

Surprise visit from Mommy 2. Pinakaunang bisita! We love you, Mommy 2,” ani Meryll.

 

 

Marami ang nagulat sa ginawang pag-anunsyo ni Meryll tungkol sa pagdating ng anak nila ni Joem lalo pa’t hindi masyadong napapabalita ang kanilang pagbabalikan.

Unang nagkatrabaho ang dalawa sa seryeng I Love Betty La Fea kung saan nagsimula ang kanilang pag-iibigan.

Bagama’t naghiwalay sila matapos ang isang taon, nanatili pa ring magkaibigan ang dalawa.

2019 nang muling magkatrabaho ng dalawa sa pelikulang Culion na kinuhanan mismo sa Palawan.

Enero taong 2020 nang maghiwalay sina Joem at ang ex-girlfriend nitong si Crisha Uy.