• Home
  • Fresh Scoops
  • Wish ni Lolit Solis ang isang tahimik na 2021 para kay Claudine Barretto.

Lolit Solis, may hiling para kay Claudine Barretto ngayong 2021 

Wish ni Lolit Solis ang isang tahimik na 2021 para kay Claudine Barretto.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

01/04/2021 08:43 PM
 Lolit Solis, may hiling para kay Claudine Barretto ngayong 2021 
Photo Credit: @claubarretto on IG

Muling umingay ang pangalan ni Claudine Barretto kamakailan matapos kumalat ang bali-balita na naputulan ito ng kuryente sa kasagsagan ng kapaskuhan.

 

 

Mismong ang abogado ni Claudine na si Atty. Ferdie Topacio ang nagpakalat ng nasabing balita sa isang panayam.

Read: Claudine Barretto nilinaw na hindi siya naputulan ng kuryente

Bagama’t agad itong pinabulaanan ni Claudine, tila hindi pa rin makamove on ang maraming tao kabilang na si Lolit Solis na inaming naguguluhan na sa mga pangyayari.

Ani Lolit: “Nagugulo na ako sa mga pangyayari kay Claudine Barretto, Salve. Sabi ni Atty. Ferdie Topacio naputulan ng kuryente, sabi ni Claudine, hindi totoo. Hindi nga ba meron din directive ang gobyerno na wala muna putulan ng mga basic services habang may pandemic?”

Read: Claudine Barretto, sumailalim sa hand surgery

Dagdag niya: “Baka nga naman iba ang dahilan kung bakit walang ilaw nuon Pasko sila Claudine, at inakala lang ni Atty. Ferdie na nagkaruon ng cutting ceremony ang Meralco?”

Pagpapatuloy ni Lolit, umaasa siyang mayroon na ulit kuryente sina Claudine sakaling may katotohanan ang kumakalat na tsismis tungkol dito.

 

 

Saad ni Lolit: “Pero anuman ang dahilan kung bakit walang ilaw sa bahay nila Claudine sana naayos na. Ang hirap ng walang ilaw ha, ang hirap kumilos.

Samantala, may hiling naman ang kolumnista para kay Claudine sa kabila ng kaliwa’t-kanang gusot na kinaharap nito noong nakaraang taon gaya ng isyu nito sa dating asawa na si Raymart Santiago. 

Read: Claudine Barretto files complaint against Raymart Santiago over child support

Hindi yata talaga mahihinto ang news about Claudine Barretto dahil parang ang exciting ng buhay niya ngayon, dagdag pa na hindi pa rin tapos ang legal battles nila ni Raymart Santiago. A quiet 2021 for Claudine, we wish,” saad ni Lolit.

 

 

Sa isang panayam, sinabi ni Claudine na marahil ay naabutan ni Atty. Topacio na nakapatay ang lahat ng ilaw nila nang napadaan ito sa bahay niya.

Depensa pa ni Claudine, nag-check-in sila sa isang hotel matapos manalasa ng bagyong Ulysses kamakailan at saka tumira sa condo ng ina na si Inday Barretto sa Bonifacio Global City. 

 

 

Mayroon din umano siyang malaking generator sa kanyang bahay na kayang mag-supply ng kuryente sa buo niyang bahay.