• Home
  • Fresh Scoops
  • Pinatotohanan naman ng mga kapatid ni Kim Chiu ang pagiging mabait ng Kapamilya star.

Kapatid ni Kim Chiu na si Twinkle, sinagot ang haka-haka na maarte umano ito

Pinatotohanan naman ng mga kapatid ni Kim Chiu ang pagiging mabait ng Kapamilya star.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

01/04/2021 05:03 PM
Kapatid ni Kim Chiu na si Twinkle, sinagot ang haka-haka na maarte umano ito
Screenshot from Kim Chiu PH YouTube Channel

Sumabak sa mukbang challenge si Kim Chiu kasama ang kanyang tatlong kapatid na sina William, Lakam, at Twinkle. 

Paliwanag ni Kim, napagdesisyunan niyang gawin ito upang mas lalo pang makilala ng kanyang mga tagahanga ang kanyang pamilya. 

 


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Lakambini Chiu (@kamchiu)

 

“Since this is the start of the year, my siblings and I have decided to do a Mukbang and answer your assumptions about us! Para naman mas makilala nyo pa kami, since madalas niyo silang nakikita sa mga vlogs ko,” saad ng Kapamilya star. 

READ: Kim Chiu shares appreciation post for boyfriend Xian Lim

Dito sinagot ng magkakapatid na Chiu ang mga haka-haka tungkol sa kanilang magkakapatid. 

Isa dito ang pagiging mabait ni Kim bilang kapatid na isa isa nilang pinatotohanan. 

“Super bait ni Kim. Very supportive,” sambit ng lalaki nitong kapatid na si William. 

 

 

“Siyempre ‘pag pinag-uusapan ang kabaitan ni Kim, hindi ‘yan big question mark. Nasa puso na talaga niya. It’s part of her already — the heart of being a family [person], buo ‘yung pamilya. ‘Yan si Kim,” saad naman ni Lakam. 

“Sobrang bait ni Kimmy. Lagi niya kaming inaalala. Inuuna niya kami bago sarili niya. Ganu’n siya kabait,” ani Twinkle. 

Hindi din naiwasan na pabulaanan ng flight attendant na kapatid ni Kim na si Twinkle ang haka-haka na ito ay maarte umano.  

READ: 'The Classroom Song' makes it to Forbes, Kim Chiu hailed as one of Asia-Pacific's 100 Digital Stars

Ani Twinkle, mukha lang umano siyang maarte pero ang totoo ay mabait ito. 

“Hindi ‘totoo ‘yan ah. Hindi ako maarte ha. Kung kilala niyo lang [ako] … mukha lang akong maarte pero hindi,” saad din ni Twinkle. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by twinkle (@twinklechiu)

 

Dagdag pa niya: “‘Pag nag-i-smile nga ako ‘pag nakikita ako ng mga pasahero, nakiki-smile dapat.”

Panoorin ang video sa ibaba: 

Tanging ang kapatid lamang ni Kim na si John Paul ang hindi nakasama sa vlog dahil kasalukuyan itong nakatira sa Canada.