• Home
  • Fresh Scoops
  • Ibinahagi ni Kris Aquino kung ano ang gusto niyang ma-achieve ngayong 2021.

Ano ang New Year’s Resolution ni Kris Aquino?

Ibinahagi ni Kris Aquino kung ano ang gusto niyang ma-achieve ngayong 2021.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

01/04/2021 08:26 PM
Ano ang New Year’s Resolution ni Kris Aquino?
Photo Credit: @krisaquino on IG

Ibinahagi ni Kris Aquino kung ano ang gusto niyang ma-achieve ngayong 2021 at kung ano ang kanyang New Year’s Resolution. Ayon sa actress/TV host, gagawin niya ang lahat ng mga bagay na magpapasaya sa kanya ngayong Year of the Ox.

“My 2021 resolution: everyday do something that makes me happy,” post ni Kris sa kanyang Instagram account.

Kasama rin sa goal ni Kris ngayong taon ang makapagpasaya ng kanyang kapwa o ng ibang tao.


And be sure to make another or others happy,” saad niya, sabay lagay ng “#lovelovelove #2021” sa last part ng kanyang post.

Bago pa ang post na ito ni Kris ay nagpahayag na rin siya ng kanyang interes na tulungan ang ilan sa mga kababayang nawalan ng trabaho at matinding naapektuhan ng pandemya. Bagama’t hindi naging magarbo ang 2020 ni Kris when it comes to doing endorsements, nagawa pa rin niyang magbahagi ng blessings na natanggap nitong nagdaang taon.

Sa IG ni Kris ay naka-post na rin ang mga winners para sa ipinamimigay niyang Shopee vouchers. Nagbigay din ng reaksyon ang mga netizen na nakatanggap nito na makikita rin sa Instagram ng Queen of all Media.

Naging challenging ang mga nagdaang buwan ni Kris dahil bukod sa health crisis na dinaranas ng bansa due to COVID-19 ay meron din siyang health condition na iniinda. Mayroong autoimmune disease si Kris na kailangan ng matinding gamutan para gumaling.

Ang sakit din ni Kris ang naging dahilan kung bakit hindi siya gaanong nakapagtrabaho noong nakaraang taon. Pinayuhan kasi siya ng kanyang doctor na magpahinga muna para hindi lalong lumala ang kanyang karamdaman.