• Home
  • Fresh Scoops
  • Xian Lim: ‘Hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari yun.’

Xian Lim, inaming traumatized pa rin hanggang ngayon sa nakawang nangyari sa kanyang bahay

Xian Lim: ‘Hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari yun.’

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

01/31/2021 04:29 PM
Xian Lim, inaming traumatized pa rin hanggang ngayon sa nakawang nangyari sa kanyang bahay
Photo Credit: @xianlimm Instagram

Sa virtual conference ng pelikulang Parang Kayo Pero Hindi ng Viva Films nitong January 27, Miyerkules, ay inamin ni Xian Lim, isa sa mga bida ng pelikula, na hanggang ngayon ay traumatized pa rin siya sa nangyaring nakawan sa kanilang bahay.

Nilooban ng mga hindi kilalang lalaki ang bahay nina Xian Lim sa Antipolo nitong unang linggo ng January 2021. Tinangay ng mga kawatan ang ilang importanteng bagay sa bahay ng aktor na pwedeng mapakinabangan.

READ: Bahay ni Xian Lim, nilooban


“I’m still pretty traumatized and I am still pretty scared. Hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari yun, eh,” pag-amin ni Xian.

“I kind of just have to accept it. Pero ang hirap, eh. It’s hard to accept yung nangyari. I don’t want to be too overly dramatic about it, pero my advice for everyone out there is just to be careful, extra careful tayo, lalo na sa panahon ngayon parang hindi mo masabi,”payo ng aktor.

“Ang mentality natin ngayon is hindi yan mangyayari sa akin kasi meron din naman kaming mga CCTV. Yung bahay ko is…  para siyang…

“Praning kasi akong tao, eh, so the house is covered with metal bars, and papasukin talaga kayo kung gusto ng tao na pumasok. They will always find a way,” dagdag na kuwento ng Viva artist.

Ayon kay Xian, kailangang ng dobleng pag-iingat sa mga panahon ngayon ng lahat para hindi matulad sa sinapit ng kanyang pamilya.

“My advice is just be extra careful. I can go on for hours about this topic, pero just be extra careful especially now,” lahad niya.

Pinag-isipang mabuti ni Xian kung isasapubliko pa ba niya ang nangyaring nakawan sa bahay niya pero para na rin daw makatulong sa iba kaya nag-post na rin siya ng tungkol dito.

READ: Xian Lim has elevator installed for his grandmother at home

Ani Xian, “After it happened, I was really thinking if I should make it public or kung ikukuwento ko ba sa publiko. Sasabihin ko ba na nanakawan ako at pinasok yung bahay namin? It took me a couple of days talking to my mom, talking to my lola and everyone.

“I felt like it’s my responsibility as a public figure na ibahagi sa mga tao na to be more careful. Siyempre, nowadays, ang daming nangangailangan, and it’s actually an eye-opener na we live in a very dangerous place.”

Samantala, bukod kay Xian ay bida rin sa Parang Kayo Pero Hindi sina Kylie Verzosa at Marco Gumabao. Mapapanood ang pelikula sa VivaMax simula sa February 12.