• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi naman napigilan ng tatay ni Mimiyuuuh na maging emosyonal nang makita ang binili nitong sasakyan para sa kanila.

PANOORIN: Mimiyuuuh, bumili ng bagong sasakyan para sa kanyang mga magulang

Hindi naman napigilan ng tatay ni Mimiyuuuh na maging emosyonal nang makita ang binili nitong sasakyan para sa kanila.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

01/31/2021 02:44 PM
PANOORIN: Mimiyuuuh, bumili ng bagong sasakyan para sa kanyang mga magulang
Screenshot from mimiyuuuh YouTube Channel

Sinorpresa ng vlogger na si Mimiyuuuh ang kanyang mga magulang ng isang bagong sasakyan. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by mimiyuuuh 🦖 (@mimiyuuuh)


 

Pagbabahagi ni Mimiyuuuh, ito ang unang beses na nagkaroon ng sasakyan ang kanilang pamilya dahil madalas lang sila nag-aarkila o nakikisabay sa ibang tao. 

“This vlog is really special because ‘yun nga po, bibili na po ako ng aming first-ever car. Kasi ever since the Lord made me, never pa po talaga kami nagka-car.  Parati po kaming nag-aarkila, nakikisabay, o nag-ga-grab,” saad ni Mimiyuuuh. 

At dahil naipatayo na umano niya ng bahay ang kanyang mga magulang, oras na umano para bigyan ito ng bagong sasakyan. 

READ: Mimiyuuuh on buying a home for his family at 23: ‘Sobrang amazed ako’

“I mean, kumikita na rin po ako so after house, you gotta have some car,” sambit pa niya. 

Paliwanag ni Mimiyuuuh, binilhan niya ang kanyang mga magulang ng sasakyan upang maranasan ng mga ito ang mas komportableng pamumuhay matapos ang ilang taong sakripisyo at pagsusumikap para maitaguyod siya. 

“Parang gusto ko lang din po maging comfortable ang kanilang pagta-travel. They’ve been working really hard since day one. And parang it’s about time na parang laidback na sila ganyan sa car,” ani Mimiyuuuh. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by mimiyuuuh 🦖 (@mimiyuuuh)

 

“Sobrang special po nitong episode na ‘to sa akin kasi parang slowly, nakakapag-return na ako ng aking mga inutang,” dagdag pa niya. 

Saad pa ni Mimiyuuuh, ang mga ganitong klaseng video ang madalas niyang pinapanood sa YouTube noon. 

“Dati hindi pa po ako nag-vlogger, ito po ‘yung mga kinds of content na na-i-enjoy ko panoorin. ‘Yung mga people buying car, buying house. And look where I am right now,” saad niya. 

Mensahe naman ni Mimiyuuuh para sa mga katulad niya ay nangangarap lamang noon, huwag tumigil mangarap. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by mimiyuuuh 🦖 (@mimiyuuuh)

 

“If you are watching right now and ganito ang dream mo, you are just getting there. Don’t stop striving,” ani Mimiyuuuh. 

Samantala, nalaman naman ng tatay niya na may sorpresa itong inihanda para sa kanila nang aksidente maikuwento ng kanyang kapatid sa kanyang ama na bumili siya ng bagong sasakyan.     

READ: ‘I don’t want to pressure myself’: Vlogger Mimiyuuuh bares plans to put up clothing line

Bagama’t alam na ng kanyang tatay ang sorpresa na inihanda ng kanyang anak, hindi naman napigilang maluha ng kanyang ama ng lumabas ang kanyang ina para tingnan ang sorpresa na inihanda nila.  

Nang tanungin ng kanyang mga magulang ang nararamdamn nila, saad ng kanyang tatay: “Enjoy.” Sambit naman ng ina niya: “Very happy.” 

Panoorin ang vlog ni Mimiyuuuh sa ibaba: 

Ani Mimiyuuuh, swak umano ito lalo pa’t matagal nang gustong umuwi ng kanyang mga magulang sa mga hometown nila sa Batangas at Bicol. 

Ipinanganak na Jeremy Sancebuche, isa si Mimiyuuuh sa pinakakilalang vloggers sa Pilipinas.