• Home
  • Fresh Scoops
  • Matapos ma-ispatan na umattend ng isang social gathering sa Baguio City, inulan ng batikos si KC Concepcion at ilang mga celebrities dahil dito.

KC Concepcion, nag-public apology dahil sa paglabag sa COVID-19 safety protocols

Matapos ma-ispatan na umattend ng isang social gathering sa Baguio City, inulan ng batikos si KC Concepcion at ilang mga celebrities dahil dito.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

01/31/2021 11:32 AM
KC Concepcion, nag-public apology dahil sa paglabag sa COVID-19 safety protocols
Photo Credit: @itskcconcepcion Instagram

Kamakailan ay usap-usapan ang paglabag ng ilang celebrities sa COVID-19 safety protocols nang mag-party ang mga ito sa Baguio City. Spotted sa party na ito ng showbiz personality na si Tim Yap ang ilang artista kabilang na si KC Concepcion. 

Kaya naman sa kanyang Instagram, nag-post si KC ng public apology sa mga nangyari noong January 17.    

Sa kanyang pahayag, sinabi ni KC na nagpapasalamat siya sa mga medical frontliners na humaharap pa din sa pagsubok, isang taon na nang dumating ang pandemya sa bansa. Ayon din sa aktres, matagal din siyang nag-quarantine ng mag-isa sa kanyang tirahan at nagkaroon din ito ng epekto sa kanya. 


READ: Tim Yap says birthday party in Baguio followed LGU protocols, aimed to promote local tourism

 

 

“Taking the time to thank our nurses, doctors, frontliners and caregivers who have been working hard since the beginning of last year. To be honest, we are all still getting used to our new normal. I quarantined solo for 3 months, not leaving my house, trying to be strong home alone to keep myself and others safe, and had noone at home to lean on. Mentally, it was taking its toll, which it did on so many of us regular people, but most especially on our frontliners who have been working nonstop to keep our communities safe. Thank you,” aniya. 

Dagdag ni KC, humihingi siya ng paumanhin dahil nakalimot siya sa mga safety protocols.  “I do agree that keeping a mask on and not letting our guards down is the least we citizens could do. I personally apologize for not having kept my mask on 100% of the time during a gathering. It has been 2 weeks since then and I hope we can move forward with lessons learned about safety protocols indoors or outdoors when in a crowd. I understand the panic. And I would react in a similar way.” 

Lahad pa ni KC, alam niyang marami ang napapagod na sa sitwasyon at hindi perpekto ang bawat isa. Pero na realize niya na dapat ay ‘wag makalimot ang bawat isa na alagaan ang sarili at maging responsable sa kanilang mga ikinikilos. 

 

 

“This pandemic situation is tiring on many levels for us all. We all have our different struggles and ways of coping. There are days that you’re up, and there are days when you’re down. There are days that you’re strong, and days when you fail. But one thing is for sure, we can all learn from everyday experiences, and from each other. Nobody is perfect, revenge travel is TRULY a thing, and in as much as we would like to break free from chains and restrictions to try and keep sane, no. We need to travel more responsibly. We need to gather more responsibly. Stay focused and patient. We can get through this together. In the meantime, we should take care of our mental health, always, as much as the physical, no matter what ✨ Find things that make you happy. Rest when your mind and body need it. Eat healthy, be active, stay alert. 🤍

READ: Angel Locsin nag-react sa pag-resign ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong bilang ‘contact tracing czar’

“As I’ve learned, we can connect with each other and love each other, while still being extra careful for ourselves and one another. I let my guard down for 5 minutes- while I was vigilant 99% of the time, 99% is not enough. Moving forward... Take care out there everyone. We have a long way to go. Tomorrow is a new day.”

 

 

Pinagbabayad ng 1,500 si KC, Tim at lahat ng kasama nila sa party dahil sa hindi pagsusuot ng face mask at hindi pagsunod sa physical distancing protocols. Ang venue na The Manor naman ay pinagbabayad ng fine na 9,000 pesos dahil din sa violation ng COVID 19 safety protocols.