• Home
  • Fresh Scoops
  • Ipinaliwang ni Nadine Lustre kung bakit hindi niya prioridad ngayon ang magkaroon ng sariling anak.

‘I would rather adopt’: Nadine Lustre, mas prioridad ngayon ang mag-ampon

Ipinaliwang ni Nadine Lustre kung bakit hindi niya prioridad ngayon ang magkaroon ng sariling anak.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

01/31/2021 06:00 PM
‘I would rather adopt’: Nadine Lustre, mas prioridad ngayon ang mag-ampon
Photo Credit: @Aivee Day on IG

Sa vlog post ng celebrity cosmetic surgeon na si Aivee Teo, inamin ng aktres na si Nadine Lustre ang pag-ampon ng bata ang kaniyang prioridad ngayon kung tatanungin sa usapin ng pagkakaroon ng sariling anak. 

Kasunod ito nang tanong ng celebrity cosmetic surgeon kung ilan ang gustong maging anak ng 27 anyos na aktres. 

Ayon kay kay Nadine, kung dati ay sinasagot niya na gusto niya ng dalawang anak, nagbago na ito dahil sa mga pangyayari kamakailan sa kaniyang buhay. 


 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by 小宮希美 🤍 (@nadine)

 

Before, every time people would ask me that, I would say two. But now, I’d say wala. I don’t want to have kids right now. That’s where my head’s at,” ani aktres sa vlog post. 

Aniya, kung mag-aalaga man aniya siya ng bata, mas gugustuhin niyang mag-ampon. 

I do believe that there are a lot of kids who don’t have parents and who need to be taken care of. So I feel like if I do want to have a kid, I might just adopt,” paliwanag ni Nadine. 

 

Kung bukas sa prioridad nang pag-aampon, nilinaw rin ni Nadine na hindi niya inaalis sa kaniyang option ang pagkakaroon ng sarili niyang anak. 

If I get pregnant, I’ll go with it. But right now, that’s where my head’s at— I would rather adopt,” pahayag ng aktres.