Sexy vlogger Sunshine Guimary ilo-launch ng Viva sa ‘Kaka’ kasama sina Ion Perez at Jerald Napoles

Sexy comedy ang pagbibidahan ni Sunshine Guimary.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

01/30/2021 01:25 PM
Sexy vlogger Sunshine Guimary ilo-launch ng Viva sa ‘Kaka’ kasama sina Ion Perez at Jerald Napoles
Photo Credit: @sunshine_guimary Instagram

May launching movie na sa Viva Films ang internet sensation, vlogger at tinaguriang Braless Goddess na si Sunshine Guimary. Ang title ng kanyang pelikula ay Kaka na nagkaroon ng storycon noong Lunes, January 25, 2021.

Ano ba ang pakiramdam na finally ay bida na siya sa isang sex comedy film?

“Hindi ko ma-describe yung saya, pasasalamat to my Viva family.  Ewan ko, hindi enough yung pasasalamat talaga and dapat suklian ko yon na hindi ko palalampasin yung opportunity na ‘to kaya kung ano yung hinihingi yon talaga yung ibibigay ko,” ang tumitili sa galak na reaksyon ng vlogger turned sexy star.


Sa pelikula na malapit nang i-shoot ay gagampanan ni Sunshine ang karakter ni DJ Kaka na number one sex therapist in the Metro. Host siya ng radio program na “Dirty Talk” na tungkol sa sex, love and relationship.

Makakapartner ni Sunshine sa Kaka na ididirek ni GB Sampedro sina Ion Perez at Jerald Napoles.

“Ako medyo pressure. Yung pressure naramdaman ko talaga kasi in between ako ng dalawang lalaki – Ion and Jerald. And then sa pagpapaseksi I hope na kakayanin ko at magagawa ko yung karakter na ibibigay sa akin. And siguro buhos lang kung ano yung hinihingi bilang isang sexy star,” lahad niya.

Aminado rin ang YouTube sensation na kabado siyang makatrabaho ang dalawa niyang leading men.

 

 

Aniya, “Mas dinaga (natakot) ako kay Ion. Kung kay Ion lang, I know si Ion mabait, nasa kanya na lahat. But pagdating kay Meme (Vice Ganda na karelasyon ni Ion) parang ang feeling ko may wall. Parang ano ko siya surrogate mother na hihiram ako ng basbas, yung feeling na ganun.

“Yes, may bed scene. Daring yung movie na ‘to. Yon yung dapat ko talagang paghandaan kasi medyo sexy yung film and pang-adult yung movie. Willing and ano naman ako. Willing akong mag-adjust kay Ion. ‘Meme, pahiram ha,’” panawagan niya kay Vice.

 

 

Patuloy niya tungkol naman kay Jerald, “Kinakabahan din siyempre, hindi yon mawawala. I hope na once mag-start na ay mag-work na yung chemistry naming dalawa ni Jerald. I hope talaga na meron at hindi mahirapan si Direk sa amin. Kasi parang… siyempre, ako baguhan, baka mailang ako.”

When asked kung may posibilidad ba na ma-in love si Sunshine sa boyfriend ni Vice Ganda ay diretso niya itong sinagot na posible daw.

“Oo, posible. Kasi ang personality ni Ion, parang malambing siya, tapos physically, sino naman ang hindi mai-in love kay Ion? Physically, nandoon na sa kanya, eh.

“And sa attitude, hindi ko pa siya ganoon kabisado, pero sa napapanood ko sa It’s Showtime, sweet si Ion, which is isa yon sa weakness ng babae. Yung sweet, importante yon,” huling pahayag ni Sunshine.