• Home
  • Fresh Scoops
  • Meg Imperial says she is trying to bond more with her fellow cast members and the crew.

Meg Imperial admits she’s more sociable now than before

Meg Imperial says she is trying to bond more with her fellow cast members and the crew.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

01/30/2021 01:20 PM
Meg Imperial admits she’s more sociable now than before
Photo Credit: @megimperial Instagram

Ipapalabas na rin sa wakas ang romantic film na Sana All na pinagbibidahan nina Meg Imperial at Arvic Tan na mula sa Viva Films at BluArt Productions. Ang original playdate ng pelikula ay dapat noong March 25, 2020, pero dahil sa pandemic ay hindi ito naipalabas.

Sa darating na February 5, 2021 ay showing na ang Sana All in selected cinemas nationwide kaya masayang kinakabahan si Meg.

“To be honest, kinabahan pa rin po ako kasi hindi pa talaga fully recovered ang lahat from the pandemic pero excited din at the same time na maipakita itong movie namin sa mga tao,” pahayag ni Meg sa ginanap na virtual conference para sa Sana All.


“Sana this film will give them entertainment sa mga ganitong panahon na kailangan nating malibang para malayo naman tayo sa mga negative na nangyayari sa atin ngayon. Sana itong movie na ito ay mapasaya sila at makapagbigay din ng hope and some positivity while going thru hardship during pandemic,” dagdag pa niya.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Meg (@megimperial)

 

Inamin ni Meg na medyo nahirapan siyang makatrabaho ang leading man niyang si Arvic dahil kaibigan niya raw ito sa totoong buhay at medyo awkward na naging magka-love team sila sa Sana All.

“Actually, ang hirap po nung nagsisimula kami kasi magkaibigan po kami, so pag nagkakatinginan kami ni Arvic natatawa ako bigla. Ganun po talaga pa magkaibigan tapos nagkatrabaho kayo as love team and yon po talaga yung struggle do’n,” pagtatapat niya.

“Kahit ano pong tingin ko kay Arvic natatawa talaga ako. Kasi alam namin as friends talaga. Actually we get to bond as love team and pinag-uusapan naman namin and our director helped us also na maipakita namin yung chemistry together,” sambit niya.

READ: 5 things you didn't know about Meg Imperial

Ibinalita rin ni Meg na nababawasan na ang kanyang pagiging reserved at natututo na siyang maging sociable sa mga katrabaho niya sa set.

“I’m proud to say na I’m learning to socialize na and everyday naman talagang pinu-push ko yung sarili ko like waking up early, breakfast with them, lunch with them and to bond with them sa set ng kung sino mang makakatrabaho ko. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Meg (@megimperial)

 

“That is what I’ve been trying to do – not to be selfish and understand them. So I tried my best to be an outgoing person and it’s a good thing dahil marami akong nakikilala, marami akong nagiging kaibigan now sa industry.

“Unlike before na very… konti lang yung mga friends ko at piling-pili lang kasi sobrang reserved nga ako. But if you ask me kung may mga instance na nangyari before na na-misunderstood yung action ko for being reserved – yes, many times.

“And that caused me depression before because dahil reserved ako I am not being true to myself, na I am plastic, but the truth is mahiyain lang ako talaga. Hindi lang ako sanay talagang mag-start ng conversation.

“Siyempre, first timer lang ako sa industry so ang inaasikaso ko noon is myself, yung script ko, yung ganito, ganyan and sobrang focus ako sa trabaho na yon nga I forgot na meron din ngang mga tao sa paligid ko  na kailangan ko ring pakisamahan.

 “But I’ve learned a lot, sobrang dami kong natutunan nung panahon na yon kaya ngayon nagagamit ko siya. And I’m so proud na pakonti-konti improving naman,” tuluy-tuloy pa niyang pahayag.