• Home
  • Fresh Scoops
  • Pinapurihan ni Angel Locsin si Baguio City mayor, Benjamin Magalong matapos magbitiw nito bilang chief implementer ng National Task Force Against COVID19 o NTF.

Angel Locsin nag-react sa pag-resign ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong bilang ‘contact tracing czar’

Pinapurihan ni Angel Locsin si Baguio City mayor, Benjamin Magalong matapos magbitiw nito bilang chief implementer ng National Task Force Against COVID19 o NTF.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

01/30/2021 06:11 PM
Angel Locsin nag-react sa pag-resign ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong bilang ‘contact tracing czar’
Photo Credit: @therealangellocsin on IG

Sa isang post sa kanyang Instagram nitong January 30, Sabado, ikinuwento ni Angel Locsin na nagkaroon siya ng meeting kasama si Baguio City mayor Benjamin Magalong,  matapos maging maingay ang pangalan nito nang mapasama ito sa listahan ng mga umattend ng isang party ng showbiz personality na si Tim Yap. 

Nagkaroon kasi ng paglabag sa protocol standards ang naturang party at dahil dito ay nagsumite ng kanyang resignation sa National Task Force Against COVID 19 o NTF ang tinatawag na ‘tracing czar.’ 

It pains me to see my family, and my constituents, in anguish over this but I am committed to hold myself accountable and do what is necessary to rectify this misstep. Much as I have given my best to discharge my duties for the task force, this incident has been a reminder that a higher standard is always expected of me,” sabi nito sa kanyang resignation letter kay Pangulong Rodrigo Duterte.


Sa post ni Angel, sinabi nito na mabait ang mayor at pinaalalahanan silang sumunod sa safety protocols ng siyudad.

(I) had a productive meeting with Mayor Magalong and Sir Roland last week for covid vaccines and Ibayan when we were in Baguio. I know he’s all over the news lately, so, I just want to share our experience with him. He reminded us to wear our masks and face shields and to respect the locals by following safety protocols. He also wore his mask the whole time. Just putting this here not to justify pero para may ibang side naman,” ani ng aktres.

Dagdag pa nito, natutuwa siya at may sense of honor si Mayor Magalong.

Ang refreshing makita sa balita na may accountability at sense of honor ang isang opisyal para aminin ang pagkakamali. Kelangan natin ng mga ganito. Also, magaling siya.”

 

 

Pinatawan ng penalty na 1,500 pesos si Tim Yap at lahat ng 33 na kataong dumalo sa pagdiriwang dahil sa paglabag sa Face Mask Ordinance at Physical Distancing Ordinance. Ang venue naman na The Manor ay pinagbayad ng 9,000 pesos dahil sa paglabag sa Face Mask Ordinance, Physical Distancing Ordinance, at sa ordinansa ng lungsod para sa New Normal Operations for Business Establishments.