• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi nakapagtimpi si Sunshine Cruz sa isang basher na tinawag si Macky Mathay na ‘kalbo.’

Sunshine Cruz, bumuwelta sa basher na pumuna kay Macky Mathay

Hindi nakapagtimpi si Sunshine Cruz sa isang basher na tinawag si Macky Mathay na ‘kalbo.’

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

01/03/2021 05:42 PM
Sunshine Cruz, bumuwelta sa basher na pumuna kay Macky Mathay
Photo Credit: @sunshinecruz718 on IG

Hindi napigilan ni Sunshine Cruz na bumuwelta sa isang basher matapos tawaging “kalbo” ang partner na si Macky Mathay.

 

 

Masayang sinalubong ni Sunshine ang bagong taon kasama ang ilan sa mga taong malalapit sa kanya kabilang na ang kanyang mga anak at partner na si Macky Mathay.

Ibinahagi ni Sunshine ang ilan sa mga litrato mula sa pagdiriwang nila ng bagong taon sa kanyang Facebook page at nagbigay ng mensahe para sa kanyang mga tagahanga.

Read: Macky Mathay tinawag na ‘superwoman’ si Sunshine Cruz sa kanyang Mother’s Day message

Happy New Year guys! I share my photos pampa good vibes. If you find my posts offensive you can unfollow or just ignore it,” saad ni Sunshine sa kanyang post.

 

 

Sinabihan naman ni Sunshine ang mga bashers na tigilan na ang pambabastos ngayong bagong taon at sinabing hindi dahilan ang kanyang pagiging artista upang gawin nila ito sa kanya.

2021 na po. Let’s try to be better people. Artista po ako pero hindi po ibig sabihin may karapatan ang iba na bastusin ako o kami dahil wala naman po akong ginagawang masama sa kapwa ko,” saad ni Sunshine.

 

Ngunit hindi napigilan ng Bagong Umaga star na sagutin ang isang netizen na tinawag ang kanyang partner na “kalbo.”

Kaya pala nag hiwalay kayo ni Cesar Montano dahil pala nyan ni kalbo dako man gud guro na bunal,” sambit ng basher.

Read: WATCH: Sunshine Cruz dedicates song to BF Macky Mathay

Sagot ni Sunshine: “I share my photos hindi para bastusin mo lang. 3 taon na kaming hiwalay ni Cesar nang makilala ko si Macky.”

Dagdag pa nito: “Opo kalbo siya pero palagay ko mas edukado at gwapo siya sa’yo. Happy New Year! 2021 na. Magbago ka na!”