• Home
  • Fresh Scoops
  • Sumabak sa tarot card reading si Bea Alonzo kasama si Kakai Bautista. 

Bea Alonzo, nagpa-tarot card reading: Bongga ang karera pero may tsansa nga bang ikasal?

Sumabak sa tarot card reading si Bea Alonzo kasama si Kakai Bautista. 

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

01/03/2021 12:35 PM
Bea Alonzo, nagpa-tarot card reading: Bongga ang karera pero may tsansa nga bang ikasal?
Screenshot from Bea Alonzo YouTube Channel

Maganda ang pasok ng 2021 ni Bea Alonzo na may tatlong pelikula na agad na nag-aabang para sa kanya. Ngunit ano pa nga ba ang dapat aabangan sa kanya sa ngayong taon? 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

Ani Bea, naniniwala siyang mas magiging maganda ang taong ito kaysa noong nakaraang taon kay naman lubos ang kanyang kasabikan sa kung ano ang mga dapat abangan ngayong taon.


“I pray that 2021 will be a better year for all of us. I’m claiming it. We will all survive and we will apply all the things that we have learned in 2020. I’m so energized, I’m so excited for what’s in store for everyone this year,” aniya. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

Kinumpirma naman ni Bea na tatlo ang gagawin niyang pelikula ngayong taon. 

“I will be doing three movies in fact, until June. And I’m glad that I can share it with you,” saad niya. 

Pagbabahagi ni Bea, isa sa mga bagay na natutunan niya noong 2020 ay ang maging bukas sa mga oportunidad na kakatok sa kanya. 

“If there’s anything that I learned in 2020, if an opportunity knocks on your door, you should always say yes,” ani Bea. 

READ: After 19 years, Bea Alonzo leaves Star Magic

Nagpa-tarot card reading din ang aktres kasama si Kakai Bautista kay tarot card reader Niki Vizcarra. 

At isa sa mga tinanong 33 anyos na aktres ay kung malapit na siyang ikasal. 

“Later on pa nga. Civil muna. Hindi ka Church sa una. Medyo hidden lang. Either seven months from now or seven years from now,” saad ni Niki. 

Sambit naman ni Bea: “Seven months? Hindi pwede may trabaho ako. Seven years naman ang tagal. Ang tanda ko na nu’n.” 

Pagsisigurado naman ni Niki kay Bea: “Pero bongga naman ang marriage life mo after. Kasi if you’ll be married now, my chances kang mag-separate kasi.” 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

Nang makita na puti ang buhok ng lalaki na nasa baraha, humirit si Bea at sinabing: “Bakit puti na ‘yung buhok? Matanda na?” 

Sagot ni Niki: “Mature na kasi siya mag-isip. Love lies true.” 

Nang tanungin naman ni Bea kung magkakaroon siya ng anak, saad ni Niki: “Supposed to be tatlo eh. Pero ang klaro sa akin dalawa. One girl, one boy.”

PANOORIN: John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, sinorpresa si Dimples Romana sa kanyang kaarawan

Panigurado naman ni Niki na sinabing magiging successful ang unang pelikula ni Bea ngayong taon: “Very long life ka, very bongga ang career mo.” 

Bagama’t magiging matagumpay sa pera at karera si Bea ngayong taon, binalaan ito na maging maingat sa papasuking negosyo lalo pa’t maaari siyang maglabas ng malaking pera para dito. 

Panoorin ang video sa ibaba: 

Isa sa mga inaabangang proyekto ni Bea Alonzo ngayong taon ay ang bago nitong pelikula kasama si John Lloyd Cruz.