• Home
  • Fresh Scoops
  • Umaani ng papuri si Sean De Guzman para sa kanyang pag-aarte sa ‘Anak ng Macho Dancer.’

EXCLUSIVE: Sean De Guzman, nagbago bigla ang career dahil sa ‘Anak ng Macho Dancer’

Umaani ng papuri si Sean De Guzman para sa kanyang pag-aarte sa ‘Anak ng Macho Dancer.’

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

01/29/2021 09:40 AM
EXCLUSIVE: Sean De Guzman, nagbago bigla ang career dahil sa ‘Anak ng Macho Dancer’
Photo credit: @seandguzman and @vivaartistagency Instagram

Anak ng Macho Dancer lead actor Sean De Guzman waited three years bago nabigyan ng malaking break sa pelikula. Nag-audition siya kasama ng mga nagnanais bumida sa pelikula pero masuwerteng siya ang nakakuha ng lead role.

Anak ng Macho Dancer is written by Henry Quitain and directed by Joel Lamangan. Prinodyus ito ng Godfather Productions ni Joed Serrano at mapapanood na sa KTXT.PH streaming platform sa Sabado, January 30.


Aminado si Sean na medyo nabibilisan siya sa mga pangyayari dahil maraming oportunidad agad ang nagbukas sa kanya pagkatapos gawin ang Anak Ng Macho Dancer at maging isang internet sensation.

“Nakakagulat po talaga,” tila hindi makapaniwalang pahayag ni Sean na gumaganap bilang Inno sa Anak Ng Macho Dancer. “Nagkaroon po agad ako ng endorsement (Blackwater) at pati yung tawag nila sa akin naiba, ‘Ay, si anak ng macho dancer,’” sabi pa ng binata.

Kapipirma rin lang ni Seang ng movie contract sa Viva kung saan nakatakda siyang gumawa ng 10 pelikula. Isa na nga rito ay pelikulang posibleng pagtambalan nila ni AJ Raval na introducing sa sexy comedy film na Paglaki Ko Gusto Ko Maging Pornstar.

May naka-line up din na teleserye para kay Sean sa isang TV network.

“Ganito po pala yung feeling na sobrang overwhelmed ka sa dami ng blessings na natatanggap mo,” nakangiti niyang pahayag. “Parang hindi totoo pero alam mong totoo kasi nangyayari.”

Patuloy niya, “Importante din po na hindi mo bibitiwan yung pangarap mo at huwag mong susukuan. Dati kasi, sina Ms. Jaclyn Jose, Rosanna Roces, Allan Paule, Jay Manalo, Emilio Garcia, at si Direk Joel, napapanood ko lang sila sa TV, hindi ko in-expect na sa first movie ko ay makakasama ko agad sila. Sobrang nakaka-proud po and at the same time very thankful ako.”

Umani rin ng positive review ang acting ni Sean sa pelikula base sa komento ng mga beteranong artistang nakasama niya rito. Ano ang reaksyon niya?

READ: Newbie actor Sean De Guzman gets lead role in a sequel of Lino Brocka’s classic film ‘Macho Dancer’

“Ginagawa ko lang naman po ang trabaho ko at pinagbubuti ko para hindi ako mapahiya. Pero bilang baguhan, alam ko pong napakarami ko pang mga dapat matutunan. Inalalayan po ako nina Ms. Jaclyn, si Ms. Osang na gumanap na nanay ko sa pelikula at si Kuya Allan na tatay ko naman. Hindi po sila madamot.

“At siyempre, dahil din po sa guidance ni Direk Joel kaya na-portray ko nang epektibo yung role ko,” pahayag ni Sean.

Pagkatapos ng Anak ng Macho Dancer ay posible kayang hindi na muna sasabak sa sexy role si Sean?

“Willing naman po akong gawin kahit anong role. Pero ngayon po siguro, depende yon sa project na ibibigay sa akin ng Viva at ng management team ko (3:16 Events & Talent Management). Ang mahalaga po meron tayong trabaho lalo na ngayong pandemic,” huling pahayag ng very promising young actor na si Sean.