• Home
  • Fresh Scoops
  • Baron Geisler gusto ibahagi ang kaalaman sa pag-aarte sa isang acting workshop.

Baron Geisler nasampal ng script ng director kaya gumaling sa pag-arte

Baron Geisler gusto ibahagi ang kaalaman sa pag-aarte sa isang acting workshop.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

01/29/2021 09:19 AM
Baron Geisler nasampal ng script ng director kaya gumaling sa pag-arte
Photo crdit: @baron.geisler/@abs-cbn.books Instagram

Ibinahagi ng Viva artist na si Baron Geisler ang kanyang sikreto kung paano siya naging isang epektibo at magaling na aktor. Nagsimula noon si Baron sa youth oriented show na Ang TV ng ABS-CBN hanggang mabigyan ng big break sa TV series na Tabing Ilog.

Kuwento ni Baron, naranasahan niya raw na masampal ng script noon ni Direk Andoy Ranay habang nagte-taping ng Tabing Ilog. Hindi raw niya malilimutan ang naturang insidente na tumatak talaga sa kanyang kamalayan.


READ: Baron Geisler signs up for military training

 “Nu’ng Tabing Ilog kasi, si Direk Andoy, alas dos ng umaga, blocking na. Kami doon kasi hindi na kami bina-blocking. Parang sinasabi nila, ‘Block yourselves. Matatanda na kayo.’

“Pagdating na du’n sa take, hindi ko na alam linya ko. Eh, wala pa ako sa wisyo. So, binato n’ya yung script sa mukha ko,” pagre-recall ng dating FPJ’s Ang Probinsyano star.

Sey pa raw sa kanya ni Direk Andoy, “’Basahin mo yan!’ So, nag-walk out siya and I felt so guilty and I said, ‘I don’t want that to happen to me ever again.’ So, magmula nu’n, naging ready na ako sa bawat eksena,” kuwento ulit ni Baron.

READ: Baron Geisler a changed man? 'This is Baron 2.0'

May kontribusyon din daw sa pagiging epektibong aktor niya ngayon ang yumaong character actor na si Johnny Delgado.

“In-approach ako ni late Mr. Johnny Delgado and nakita n’ya na may potensyal ako. So, binigyan n’ya ako ng mga libro and ginayd n’ya ako,” sambit ng aktor.

Dagdag ni Baron, “Marami pang ibang tumulong sa akin. Sina Sir Erik Matti. Isa yan sa mga nagturo sa amin umarte nu’ng mga bata pa kami. Mentor-mentor. Sobrang dami. And I believe kailangan yan.”

Sa ngayon ay gusto ni Baron na ibahagi sa ibang aspiring actors kung anuman ang kanyang mga natutunan sa pag-arte sa pamamagitan ng acting workshop. Kung mabibigyan daw siya ng pagkakataon sa Viva ay gagawin niya ito.

Aniya, “Hindi ko nga pala nasabi kay Boss Vic (del Rosario) na baka puwede akong tumulong mag-facilitate ng acting workshop sa mga aspiring actors dito sa Viva para sulit din ang stay ko sa Manila.”

Kasalukuyang naninirahan si Baron sa Cebu kasama ang kanyang partner na si Jamie at anak na si Talitha. If ever na merong work sa Maynila ay saka lang siya nagta-travel.

Mapapanood si Baron sa pelikulang Tililing ni Direk Darryl Yap at sa Kagat ng Dilim.