• Home
  • Fresh Scoops
  • Excited na ang maraming fans ni Regine Velasquez sa inihahandang pasabog sa kaniyang virtual Valentine’s Day concert.

Walang makakapigil: Regine Velasquez, magpapasabog sa ‘Freedom’ virtual concert

Excited na ang maraming fans ni Regine Velasquez sa inihahandang pasabog sa kaniyang virtual Valentine’s Day concert.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

01/28/2021 12:17 PM
Walang makakapigil: Regine Velasquez, magpapasabog sa ‘Freedom’ virtual concert

All set na ang nag-iisang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez para sa kaniyang ultimate virtual Freedom Valentine’s Day concert this coming February 14, 2021.

Sold out at nanatiling buo ang suporta ng mga fans ni Regine sa kaniyang concert sa kabila ng new normal set up bilang pag-iingat na rin sa COVID-19.

Kaya naman, hindi itinanggi ng Kapamilya singer ang overwhelming na pakiramdam na kaniyang nararamdaman ngayon.


“I just feel very very blessed, sobrang blessed kami. Sobra akong blessed,” tugon ni Regine sa virtual media conference.

“Ang daming mga opportunities that are coming our way. Even though we’re having a hard time, pandemic ang dami nating pinagdadaanan pero bini-blessed at nag po-provide pa rin si Lord para sa akin at sa buong pamilya ko so I’m thankful,” sambit pa ng Kapamilya singer.

Bukod sa overwhelming support at nag uumapaw na blessings sa kaniyang pamilya, masayang masaya rin si Regine sa isa pang blessing na dumating, hindi lang para sa kaniya kundi para sa maraming viewers ng Kapamilya Sunday variety show na ASAP Natin ‘To.

“I’m very very grateful and natutuwa rin ako, alam mo ‘yung na witness ko ‘yung pag ju-join forces ni ABS-CBN and TV5 parang malaking bagay, historical event ‘di ba? Parang ganun. So natutuwa ako na I’m part of that,” ani Regine.

At tulad nang marami, isa lang rin ang hiling ni Regine ngayong tila hindi pa rin matapos tapos na krisis na dala ng COVID-19.

“Sana, sana matapos na itong pinagdaraanan natin na ito, para we could go back to our old life,” sambit ng singer.

Sa tagal rin ng panahon na mas mahaba ang oras ng singer kasama ang kaniyang pamilya, nagpapasalamat rin ang singer na mayroong naging positibong epekto ito sa bawat isa.

“Although, I don’t think we were able to go back to our old life kasi madami na tayong learnings dito ngayon, marami na tayong na discover about each other, we’ve become closer as a family, friends mas naging importante ‘yun kaysa sa kinikita natin, alam mo ‘yon,” sabi pa ng singer.

“Kaysa sa mga material na bagay, mas naging importante ang relationship. So, ako I’m praying na we will not go back to our old life and we just continue with this new found learnings and life we all now experiencing.”

Samantala, sa kabila ng new normal set up ng mga concerts, hindi pa rin natitinag si Regine aa pagbibigay “Pasabog” sa kaniyang Freedom concert.

Pero, pakiusap ni Regine: “Sinasabi ko nga na i-lower niyo muna ng konti ang expectations niyo this year so hopefully, I can still surprise you. But the line-up of songs that we prepared I think meron kayong pasabog or masosorpresa pa din kayo, kasi ‘yung line up ng songs,” pahayag pa ng singer.

Sa darating na February 14, mapapanood ang Freedom a Valentine’s Day concert ni Regine Velasquez via KTX.Ph