• Home
  • Fresh Scoops
  • Pinabinyagan na nina Ryza Cenon at ng kanyang partner ang anak nilang si Night Cruz.

TINGNAN: Anak ni Ryza Cenon, bininyagan na

Pinabinyagan na nina Ryza Cenon at ng kanyang partner ang anak nilang si Night Cruz.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

01/28/2021 09:11 AM
TINGNAN: Anak ni Ryza Cenon, bininyagan na
Photo credit: @iamryzaceneon Instagram

Bininyagan na ang anak ni Ryza Cenon sa partner nitong si Miguel Antonio Cruz. 

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Ryza ang mga litrato na kuha mula sa naganap na binyag para sa anak nitong si Night Cruz. Dinaluhan ito ng mga kamag-anak nina Ryza at Miguel pati na ng malalapit nilang kaibigan na nagsilbing ninong at ninang para sa kanilang anak. 


Ani Ryza, sana ay mas maging malapit sa Diyos ang kanyang anak na ngayon ay ganap nang bahagi ng simbahang Katoliko. 

Start your journey towards God’s eternal blessing for the rest of your life. May the holy spirit always surround you and protect you! God bless you anak. Be good to everyone. Welcome to the Christian world! We love you anak @iamnightcruz,” ani Ryza. 

READ: Ryza Cenon gives birth to baby boy

Sa nasabing post, nagpasalamat din ni Ryza sa kanyang partner para sa suportang ibinigay nito sa kanya. 

Tingnan ang post ni Ryza sa ibaba: 

Inanunsyo ni Ryza ang kanyang pagbubuntis Hulyo noong nakaraang taon. Limang buwan nang buntis si Ryza noong panahong iyon. 

Sa isang panayam, ibinahagi ni Ryza kung kailan niya nalaman na nagdadalang-tao siya. 

“Nag-start po siya ng February pero hindi ko pa po alam kasi no’ng Feb po nag-aano pa ako, e, may action [project] pa akong ginagawa no’n, e, Bella Bandida (for Sari Sari Channel) and then ’yong dalawang movies po. Hanggang sa naabutan na kami ng lockdown,” ani Ryza. 

Dagdag pa niya: “April 3, nag-PT (pregnancy test) po ako and then medyo malabo pa nga po ’yong result, e, kasi di ba po dalawang guhit siya? ‘Yong isang [test], medyo malabo so hindi po ako sure hanggang sa nagpa-check na po ako ng April 9 ta’s doon na po namin malaman.”

Nobyembre naman ng isilang niya ang kanyang anak.