• Home
  • Fresh Scoops
  • Napatakbo si Vice Ganda nang makita ang isang ahas sa loob ng bag ni Angeline Quinto at manika sa banyo nito. 

PANOORIN: Vice Ganda, nag-walk out matapos i-prank ni Angeline Quinto

Napatakbo si Vice Ganda nang makita ang isang ahas sa loob ng bag ni Angeline Quinto at manika sa banyo nito. 

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

01/28/2021 05:04 PM
PANOORIN: Vice Ganda, nag-walk out matapos i-prank ni Angeline Quinto
Screenshots from Vice Ganda YouTube Channel

Nag-walk out si Vice Ganda sa kanyang pinakabagong vlog kung saan nang house raid siya sa bahay ni Angeline Quinto. 

Ito ay matapos makakita si Vice ng ahas sa loob ng mamahaling bag ni Angeline. 


Saad ni Angeline matapos maghihiyaw si Vice: “Sabi ko sa ‘yo ‘wag mong buksan. Ang kulit nito. Oh, ano?” 

Ani Vice: “Nakakaloka. May ahas sa bag.” Sagot naman ng 31 anyos na Kapamilya singer sa komedyante:

“Nangingialam ka kasi ng bag. Bakit nakikialam ka?” 

READ: Vice Ganda returns to Boracay: ‘Parang wala ng mga basura’

Sambit ni Vice: “Nanghina ako. Sh*t. Buti di ko nahawakan. Bakit mo nilalagay sa bag?” Paliwanag naman ni Angeline: “Alaga ko. Para nga di halata. Dinadala ko sa ABS.” 

Napatakbo din si Vice nang makita ang isang Chucky doll na sumalubong sa kanya pagpasok niya ng banyo sa loob ng kwarto ni Angge. 

“Bakit? Regalo lang sa akin ang manika,” sambit ni Vice na muling na-stress matapos makita ang manika. 

“Nakakaloka ‘yung manika. Nawalan ako ng boses. Ayoko na. Sabi ko na nga mapi-playtime ako dai,” tugon ni Vice sa camera. 

Napagtanto naman ni Vice na planado ang lahat ng ginawa ni Angeline upang hindi nito i-raid ang kwarto niya ng It’s Showtime host. 

“Siguro alam mong kalkalin ko ‘yung kwarto mo ‘no kaya ka naglagay ng ganun, para di ka pumayag,” ani Vice. 

“Stress ako dai ano ba ‘yun? Playtime ha. Pati kili-kili ko tuloy nagpawis. Ayoko talaga ng mga ganu’ng manika at tsaka mga ahas-ahas na ganyan. Na-i-stress ako talaga. Na-ishaprank tayo,” dagdag ni Vice.  

READ: What is Vice Ganda‘s New Year's wish?

Sinubukan namang habulin ni Angge si Vice Ganda hanggang sa garahe ng bahay nito bitbit ang bag na may laman na ahas. 

Humantong naman sa habulan sa labas ng village ni Angge hanggang umabot silang dalawa sa highway. Napilitan namang sumakay ng taxi si Vice ngunit bumalik din ito di kalaunan. 

Panoorin ang vlog ni Vice sa ibaba: 

“Hindi na ako magha-house raid talaga. Uuwi na talaga ako,” tugon ni Vice kay Angeline na hingal na hingal na kakatakbo. 

Samantala, humingi naman ng paumanhin si Vice sa paglabas ng bahay ni Angge na walang suot na face mask.

“Nahaggard ako mumsh sa pagtakbo. Tapos takot na takot ako kasi narealize ko wala akong mask. Mumsh, sabi ko baka mahuli tayo ng pulis. Kaya sa mga nakakanood dito, pasensya na kayo kung tumakbo ako na walang mask,” sambit ng komedyante.