• Home
  • Fresh Scoops
  • Mag-isang binubuhay ngayon ni Nathalie Hart ang daughter niyang si Penelope.

Nathalie Hart, aminadong hirap sa pagiging single parent

Mag-isang binubuhay ngayon ni Nathalie Hart ang daughter niyang si Penelope.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

01/27/2021 03:47 PM
Nathalie Hart, aminadong hirap sa pagiging single parent
Photo Credit: @imnathaliehart Instagram

Mag-isang binubuhay ngayon ni Nathalie Hart ang daughter niyang si Penelope who will be turning two years old ngayong February 2021. Si Baby Penelope ay anak ni Nathalie sa estranged boyfriend niyang isang Indian national.

Aminado si Nathalie nang makausap namin sa virtual mediacon para sa pelikulang Steal ng Viva Films na hirap siya sa pagiging isang single parent.


“For me now na habang tumatanda yung anak ko, yung lahat ng naiipon ko ngayon I’m putting it into business para meron aasahan in the future,” pagtatapat ng sexy actress.

Dagdag pa niya, “Medyo ngayon naghihirap talaga ako. Kumbaga, kung ano yung nagagastos ko sa bahay, sa anak ko, bina-budget kong mabuti. Kasi whatever I have now, I’m putting it into business nga, so kung ano na lang yung napupunta sa anak ko.

“To be honest with you, naaayos ko naman. Okay naman so far, pero ganun talaga ang buhay, kailangan mong magsakripisyo. You have to really budget at yon ang ginagawa ko ngayon.”

READ: EXCLUSIVE: Nathalie Hart, ibinunyag ang current relationship status nila ng ama ng anak niya

Sa virtual interview pa rin kay Nathalie ay inamin niyang nawalan pala siya ng mamahaling Rolex watch noon dahil na rin sa labis na pagtitiwala.

Balik-tanaw niyang kuwento, “Kakabalik ko pa lang no’n sa Pilipinas and I didn’t have any support system, so I hired two people na hindi ko talaga sila kakilala. I hired them from an agency tapos nagulat na lang ako na nawalan na ako ng Rolex watch.

“Siyempre wala naman akong ibang suspects di ba, kasi yung dalawang tao lang naman yung mga nakasama ko. Pero parang ang sa akin lang nawala na, eh, so ano pang magagawa ko?”

Ngayon daw ay meron na siyang CCTV sa bahay para ma-monitor ang galaw ng mga kasama niya.

“Ang sabi ko na lang, next time hindi na ako mawawalan. Ang ginawa ko na lang, meron na akong camera (CCTV). I understand that people would not like my system of work pero now whatever I do in my life kailangang may camera. Kasi parang sa akin… I understand na parang I trust those people pero gusto ko pa rin na may hidden camera at yon ang ginagawa ko ngayon para may ebidensiya,” kuwento pa niya.

Samantala, kasama ni Nathalie sa pelikulang Steal ng Viva Films na pinagbibidahan din nina Jennifer Lee, Meg Imperial, at Ella Cruz.