• Home
  • Fresh Scoops
  • Baron Geisler, iniwan na daw ang ‘bad boy’ image na makikita na lang sa pelikula o teleserye.

Baron Geisler game sa virtual church wedding; next baby sisiguraduhing lalaki sa tulong ng science

Baron Geisler, iniwan na daw ang ‘bad boy’ image na makikita na lang sa pelikula o teleserye.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

01/27/2021 12:34 PM
Baron Geisler game sa virtual church wedding; next baby sisiguraduhing lalaki sa tulong ng science
Photo Credit: @baron.geisler Instagram

Bukod sa magandang oportunidad na naghihintay kay Baron Geisler ngayong contract star na siya ng Viva, isa rin daw sa nilo-look forward  niya ngayong 2021 ay ang church wedding nila ng asawang si Jamie Marie Geisler.

“Oo nakaplano na yon,” pagtatapat ni Baron sa PUSH sa ginanap na virtual presscon ng Viva. “At siyempre, yung binyag ni Tali (Talitha Cumi, panganay niyang anak) dapat. Tsaka yung pag-celebrate sana namin ng birthday niya kasi one year old na siya nung January 20.

“Kaso yon nga, walang mass gathering and we have to obey the rules. But let’s see how we can still do that safe lahat. Baka yung mga ninong o abay naka-zoom lang hawak-hawak nila yung mga tablet nila, di ba? Ganun na lang siguro,” kuwento pa ng magaling na aktor.


READ: Baron Geisler now part of Viva

Okey lang din daw sa kanya kahit virtual wedding na lang ang mangyari kung saka-sakali.

“Puwede, bakit hindi? I-try natin,” lahad niya.

Nang tanungin namin kung balak na ba niyang sundan si Baby Tali, aniya, “Yes, but pag umusbong na yung clothing company ko at yung iba ko pang businesses siguro.

“Siguro bago ako mag-40 sana gagawa kami ni Jamie ng lalaki. Papatulong kami sa science para for sure na lalaki yung mabubuo. Hanggang do’n na lang yon. Dalawa lang kasi ang gusto kong anak – Talitha and another one,” dagdag niyang pahayag.

Samantala, sa tanong kung makikita pa ba ang “bad boy” image ngayong nasa Viva na siya, ayon kay Baron ay hindi na raw.

Paliwanag ng aktor, “I think makikita n’yo yan sa mga movies na lang at saka sa teleserye. But siguro, it’s not even an image but iba na. Iba na si Baron. Iba na rin yung path na tinatahak ko and of course everyone knows na I’m a father and also a husband and yon yung pinaka-major role ko hindi lang for the meantime and that’s forever.

“I just want to say na I’m very grateful na nakasama ako sa mga rosters ng talents ng Viva, so ayun, may pang-ekonomiya na tayo. May pang-gatas na. Haha-ha!”