• Home
  • Fresh Scoops
  • Galit na naglabas ng saloobin sina Sue Ramirez at Maris Racal matapos kumalat ang isang pekeng litrato kung saan makikita silang walang saplot sa katawan.

Sue Ramirez at Maris Racal, pinabulaanan ang mga kumakalat na malalaswang litrato

Galit na naglabas ng saloobin sina Sue Ramirez at Maris Racal matapos kumalat ang isang pekeng litrato kung saan makikita silang walang saplot sa katawan.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

01/26/2021 07:44 PM
Sue Ramirez at Maris Racal, pinabulaanan ang mga kumakalat na malalaswang litrato

Nang gagalaiti sa galit ang magkaibigang Sue Ramirez at Maris Racal matapos kumalat ang isang pekeng litrato kung saan makikita silang magkatabi na hubo’t-hubad. 

Pakiusap ni Sue sa kanyang Instagram post, huwag umano basta-bastang maniwala sa mga fake news. 

“Repost ko lang ulit tong mga picture na to para hindi kayo NATATANGA sa fake news. Ewan ko ba kung anong dahilan at pinuputakte niyo kami ng ganito,” ani Sue. 


LOOK: Celebs, fans gush over Sue Ramirez’ new photos​

Dagdag ng aktres, ayaw raw sana sana niyang magsalita ngunit napilitan siyang basagin ang kanyang katahimikan dahil hindi niya umano kinaya ang ginawa sa kanya.  

“’Wag ko lang mahanap ang nagpapakalat ng kung ano-anong katarantaduhan na ‘to. Ayoko na sanang magsalita pero ginagambala niyo ang katahimikan ng buhay ko. Umayos kayo. AT WAG TANGA PLS. Wag basta bastang naniniwala sa mga nakikita online. HINDI KAYO PINALAKING UTO UTO. Pls lang. Sumosobra na kayo,” saad ni Sue. 

Pagpapatuloy ni pa niya, sana raw ay tigilan na ang aniya’y “pambababoy” ng mga patuloy na nagpapakalat ng mga litrato. 

“Sa mga nakakatanggap ng picture, siguro naman may delikadesa at respeto kayo enough to know na dapat hindi na kumalat pa ang PAMBABABOY na ito.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Sue Dodd (@sueannadoodles)

 

Sa isa pang Instagram post, muling naglabas ng saloobin ang 24-anyos na artista at sinabing diring-diri siya sa mga nagpapakalat noto. 

Sambit niya: “NAKAKADIRI KA. SA LAHAT NG NAGSHARE NETO AT SA DEMONYO SA LUPA NA GUMAWA AT NAG EDIT NG KABABUYAN NA TO, NAKAKATAWA BA TO PARA SAINYO?!”

Nakiusap naman si Sue sa mahigit walong milyon niyang followers na tulungan siya upang masugpo ang pagkalat ng mga litrato. 

“Sa 8.1M followers ko, nakikiusap ako sainyo. Tulungan niyo ako na matapos na ang kulturang ito. Kulturang bumababoy sa mga kababaihan. Kulturang MAPANIRA. Kulturang KASUKLAM-SUKLAM,” ani Sue. 

Saad pa niya, dapat umanong matigil na ito lalo pa’t hindi lang siya ang maaaring maging biktima nito. 

“THIS CAN HAPPEN TO ANYONE. Sa nakakaalam kung san nagsimula ito, pls contact me through DM. Help me get to the bottom of this. HINDI NA TAMA ITO. Masyado na kayong nawiwili sa mga panggagago niyo samin. AYOKO NANG MANAHIMIK. ABUSADO KAYO.” 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Sue Dodd (@sueannadoodles)

 

Samantala, nagsalita din si Maris Racal sa kanyang Twitter account at tinawag na “manyak” at “walang utak” ang napapakalat ng nasabing litrato.  

Maris Racal, handa na nga makipag-date muli?​

“There’s an edited photo of Sue and I spreading online  Kung sino man ang nag edit nun, wala kang utak. Itigil na ang pambabababoy ng katawan ng mga babae. Pagaari namin ‘to. 2021 na, manyak ka pa rin? Magbago na,” ani Maris.

 

 

Sa ngayon, hindi pa rin matukoy kung sino ang nagpakalat ng mga nasabing edited na litrato.