• Home
  • Fresh Scoops
  • Umiyak ang partner ni Andi Eigenmann na si Philmar Alipayo dahil sa iniwan nitong mensahe para sa kanya.

PANOORIN: Andi Eigenmann, pinaiyak ang fiancé na si Philmar Alipayo

Umiyak ang partner ni Andi Eigenmann na si Philmar Alipayo dahil sa iniwan nitong mensahe para sa kanya.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

01/26/2021 11:57 AM
PANOORIN: Andi Eigenmann, pinaiyak ang fiancé na si Philmar Alipayo
Photo Credit: @andieigengirl Instagram and Screenshot From Happy Islanders YouTube Channel

Napaiyak ang partner ni Andi Eigenmann na si Philmar Alipayo dahil sa labis na emosyong naramdaman nito habang binabasa ang isang sulat mula sa aktres. 

 

 

Sa pinakabagong vlog ng 30-anyos na aktres, ibinahagi nito ang kanyang birth journey kasama ang kanyang partner si Philmar. 

Bago manganak, gumawa ng liham si Andi para kay Philmar na binuksan ng huli habang nasa operating room ang kanyang partner.

READ: Andi Eigenmann introduces newborn son, Koa

Hindi naman napigilan ni Philmar na maiyak habang binabasa ang nilalaman ng liham ni Andi.

Dito, pinasalamatan ni Andi si Philmar sa lahat ng suporta  nito para sa kanya. 

Saad ni Andi sa nasabing liham: “Mahal, here we go again! Hope you are as happy as I am that our baby is on the way. Thank you so much for everything!”

Dagdag nito: “Thank you for always being by my side, for being my biggest support, for helping me to be strong and brave, and for inspiring me to be the best parent I can be to our kids.” 

 

 

Sambit pa ni Andi, iba ang naramdaman nitong saya simula nang hiningi ni Philmar ang kanyang kamay upang makasama siya habambuhay.

READ: Andi Eigenmann poses with daughters for magazine cover

“I am the happiest since you asked me to be yours forever and to be your partner in life, as we go through this experience with you,” ani Andi. 

Sa huli, sinabi ni Andi na maswerte siya dahil mayroong ama ang kanyang mga anak na kagaya niya. Saad niya: “My kids are very lucky to have you as their papa. I love you!”

Panoorin vlog ni Andi sa ibaba: 

Sa nasabing vlog, ipinasilip din ni Andi ang unang pagkikita ng kanyang mga anak at bago nilang kapatid. 

Isinilang ni Andi ang anak niyang si Koa Eigenmann Alipayo noong January 17. 

READ: Philmar Alipayo, nag-propose na kay Andi Eigenmann

Mayroong pang dalawang anak si Andi, ang panganay nitong si Ellie na anak niya sa dating partner na si Jake Ejercito at si Lilo na unang anak niya kay Philmar. 

Nag-propose si Philmar Disyembre noong nakaraang taon.