• Home
  • Fresh Scoops
  • To the rescue ang fans ni Maja Salvador para depensahan ang kanilang idolo.

Fans ni Maja Salvador, tinawag na ‘Ultimate Harbatera’ si Lolit Solis

To the rescue ang fans ni Maja Salvador para depensahan ang kanilang idolo.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

01/26/2021 07:36 PM
Fans ni Maja Salvador, tinawag na ‘Ultimate Harbatera’ si Lolit Solis

Tila hindi nagustuhan ng mga fans ni Maja Salvador ang sinabi ni Lolit Solis tungkol sa kanilang idolo.

Kasunod ito ng mahabang social media post ni Solis sa kaniyang Instagram nitong Lunes (January 25) kung saan inihayag ng veteran columnist at talent manager ang tila “pagkasilaw” umano ng dating Kapamilya star sa alok ng Brightlight Productions para mapapayag umano ang aktres na lisanin ang Kapamilya network.

Matatandaan na isa si Maja a mga former Kapamilya star na napanood noon sa tinapos nang Sunday Noontime Live na umere sa Kapatid network kasama sina Catriona Gray, Piolo Pascual, at iba pang bituing Kapamilya.


“Iyon drama nuon na kaya lang pumayag na tanggapin ang alok ng Brightlight na sumama sila sa Sunday show ay dahil sa love nila si Mr. M o direk Johnny Manahan Salve ay hindi pala ganuon katutoo,” bungad ni Solis sa kaniyang post.

Ayon pa kay Solis, doble umano ang talent fee na alok kay Maja na naging dahilan umano nang pagpayag nito na lisanin ang Kapamilya network.

“Kasi kung iisipin mo, iyong talent fee na ibinigay kay Maja Salvador na doble sa tinatanggap niya sa ABS-CBN ang maari rin dahilan kung bakit hindi siya nag-stay sa Chanel 2,” ani veteran columnist.

Patuloy niya pa sa post: “Puwede na mas nasilaw siya sa laki ng tf kaya kahit pa nga pinipigilan siya para gawin sana ang serye nila ni Richard Gutierrez hindi siya nagpa pigil.”

Direchahan rin na inihayag ng veteran columnist na maaring naging dahilan lang rin ni Maja ang former Stat Magic head na si Johnny Manahan kaya pumayag umano ito na maging bahagi ng nagtapos na Sunday noontime show.

RELATED ARTICLE: Johnny Manahan reveals Star Magic in talks with TV5 and GMA-7 to look for jobs for their artists​

“Iyon drama na hindi niya puwede tanggihan si Mr. M parang mas maliwanag ngayon na hindi niya natanggihan dahil nga very tempting ang offer. Katawa tawa ngayon iyon mga pa eklay na dahil kay Mr. M , bakit hindi na lang sinabi, sayang iyon tf ? Or gusto nyo, give nyo rin ako ganuon kalaki tf. Practical lang naman na masilaw ka pag inalok ka ng mas malaki, pero kainis din kasi iyon drama na dahil hindi mo mahindian ang isang tao dahil mahal mo, eh mas maliwanag naman ang dahilan,” ani pa ni Lolit sa post.

Bilang isang beteranong talent manager, nagpahayag rin ng kaniyang opinyon si Solis sa naging basehan ng kasikatan ngayon ng isang bituin.

“Now, alam na natin na hindi porke maraming followers, sikat sa social media, susundan sila sa TV. Now, hindi rin tutoo iyon mahina ang signal, hindi maabot iyon malayong lugar, pag talagang panunuorin, susundan ng viewers. Iyon ngang mga replay na show, mga anime, mga cartoons, dami nagwa watch pag gusto nila, bakit hindi pinanuod iyon dancing ni Maja Salvador ? Tapos laki pa tf, hah hah. Ayan, tsugi tuloy ang show, wala narin laki tf. Babu talaga,” sabi pa ni Lolit sa post.

 

 

Dahil sa mga pahayag ni Lolit, hindi napigilan ng mga fans ni Maja Salvador na nagpahayag ng kanilang saloobin para depensahan ang kanilang idolo.

Sa Twitter, isang twitter handle ng fans group ni Maja ang bumuwelta sa mga naging pahayag ng talent manger.

“Take it, take it, Lolit Solis Bad PR ang ginagawa kay Maj, sino nagbayad sa ‘yo? Pinupuna mo siya about TF, eh sino kaya ang ultimate harbatera sa showbiz? Kung nadapa ang isang tao, bakit pa natin pagtatawanan? Tulungan nating bumangon tanda mo na, wala ka pa ding kinatandaan”

 

 

Bukod sa Twitter, inulan rin ng negatibong pahayag mula sa netizens ang social media post ni Solis sa Instagram.

Screen grabbed from @akosilolitsolis IG 

Samantala, sa pamamagitan ng social media, nagpahayag naman ng kaniyang suporta si Maja sa pagsasanib puwersa ng Kapatid at Kapamilya network para maipalabas ang ASAP Natin ‘To nitong Linggo, January 24, sa TV5.

Ang ASAP Natin ‘To ang pumalit sa time slot ng tinapos nang Sunday Noontime Live na produced ng Brighlight Productions ni Congressman Albee Benitez.

 

 

Sa ilang tweets rin ni Maja, makikita ang naging pasasalamat ng former Kapamilya sa lahat ng bumuo nang kanilang nagtapos na programa.

“Maraming salamat po sa inyong lahat na sumubaybay, sumuporta, at nakisaya sa amin sa isang buong season ng #SNL

“Thank you very much Mr. M sa pagbuo ng show na ito para makapagbigay ng trabaho sa marami at makapag dulot ng saya sa lahat ng mga fans for the past 3 months!” post ni Maja na sinundan ng heart emoji.

 

 

Sa huling social media post ng aktres nitong Martes, tila isang proyekto sa ilalim ng Spring Films ang nakatakdang gawin ni Maja kung saan makakasama niya si Empoy Marquez.