• Home
  • Fresh Scoops
  • Pagkatapos ng ilang delay, tuloy na sa April 17 ang Binibining Pilipinas pageant.

Binibining Pilipinas, tuloy ngayong 2021

Pagkatapos ng ilang delay, tuloy na sa April 17 ang Binibining Pilipinas pageant.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

01/26/2021 03:58 PM
Binibining Pilipinas, tuloy ngayong 2021

Matapos ang magkakasunod na postponement sa larangan ng pageant scenes ng 2020, tuloy na tuloy na ngayong taon ang inaabangang coronation night ng Binibining Pilipinas.

Sa darating na April 17, 2021 kumpirmado na ang taunang beauty pageant kung saan kokoronahan ang pambato ng Pilipinas para sa Miss Globe, Miss Grand International, Miss Intercontinental, at ang Miss International.


Sa pamamagitan ng isang statement, inanunsyo ni Binibining Pilipinas Charities Inc chairperson Stella Marquez-Araneta ang magandang balita.

“Good day to all our supporters and followers! 

“I am happy to announce that Binibining Pilipinas Charities Inc is set to continue the pageant this year. We officially open the Binibining Pilipinas season with the launch of the National Costume photo exhibit in Araneta City. Through this, we aim to celebrate our colorful culture and our talented local designers.

“Our tradition of [identifying and] the crowning our new queens will be done in a 
new normal’ and safe setting. We share your excitement as we see the candidates in action again, and we look forward to your continuous support.

“See you all on April 17, for the Binibining Pilipinas Grand Coronation Night,” pahayag ni Mrs. Araneta.

 

 

New normal man ang setting ng Coronation night, inaasahan naman ang buhos ng suporta ng pageant fans sa tinuturing na Most Prestigious pageant ng bansa.

Sa ngayon, isang photo exhibit ng national costume sa Araneta Center, Cubao ang naging kick off ng Binibining Pilipinas pageant 2021.