• Home
  • Fresh Scoops
  • Umabot sa mahigit 102,000 concurrent viewers ng Kapamilya Online Live sa YouTube ang January 25 episode ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano.’

Alyana, namatay na: Yassi Pressman, tuluyan nang namaalam sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Umabot sa mahigit 102,000 concurrent viewers ng Kapamilya Online Live sa YouTube ang January 25 episode ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano.’

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

01/26/2021 03:44 PM
Alyana, namatay na: Yassi Pressman, tuluyan nang namaalam sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Tuluyan nang namaalam ang karakter ni Yassi Pressman sa long-running ABS-CBN teleserye na FPJ’s Ang Probinsyano.

 

 

Matapos ang mahigit apat na taon mula nang sumali siya sa teleserye, pumanaw na ang asawa ni Cardo Dalisay (Coco Martin) na si Alyana na ginagagampanan ni Yassi.

Yassi Pressman dedicates latest acting award to her late father Ronnie​

Noong nakaraang linggo, naging usap-usapan kung ano ang kahahantungan ng karakter ni Yassi sa Ang Probinsyano matapos itong makatamo ng sunod-sunod na pamamaril. 

 

 

Nagtapos ang January 23 episode ng Ang Probinsyano na duguang nakahandusay sina Cardo at Alyana sa lupa.

Nabuhayan ng pag-asa ang mga manonood nang magbukas ang January 25 episode ng programa. 

 

 

Bagama’t sinubukang buhayin si Alyana sa headquarters ng Task Force Agila, hindi na ito muling nagising. 

Umabot sa 102,000 concurrent viewers o taong sabay-sabay na nanood sa nasabing episode sa Kapamilya Online Live. 

 

 

Samantala, nasungkit naman ng hashtag na #FPJAP5HabangBuhay ang second spot sa mga top trending topics sa Twitter. 

Hindi napigilan ng mga netizens na maging emosyonal sa sinapit ng karakter ni Yassi. 

LOOK: Yassi Pressman stuns in photo shoot​

Ibinahagi naman ni Yassi sa Instagram ang isang litrato kung saan makikita ang ilan sa mga mahahalagang sandali nina Cardo at Alyana. 

“HABANG BUHAY. Ikaw at Ako,” saad ni Yassi sa kanyang caption. 

 

 

Maging ang kapatid ni Yassi na si Issa ay hindi napigilang ibahagi kung gaano siya ka-proud sa kanyang nakatatandang kapatid. 

 

 

Nagsimulang gumanap si Yassi bilang Alyana sa Ang Probinsyano noong taong 2016.