• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi maipaliwanag na saya ngayon ang nararamdaman ni Jaclyn Jose sa pagdating ng panibagong miyembro ng kanilang  pamilya.

Jaclyn Jose, proud nanay kay Andi Eigenmann

Hindi maipaliwanag na saya ngayon ang nararamdaman ni Jaclyn Jose sa pagdating ng panibagong miyembro ng kanilang  pamilya.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

01/24/2021 02:19 PM
Jaclyn Jose, proud nanay kay Andi Eigenmann
Photo credit: @jaclynjose and @andieigengirl Instagram

Magandang ang pasok ng 2021 para sa aktres na si Jaclyn Jose mula sa buhay trabaho at sa personal na buhay.

Una na dito ang karagdagang apo sa anak na si Andi Eigenmann na nagsilang ng bouncing baby boy na si Baby Koa.

Sa media interview with Jaclyn nitong Huwebes, Enero 21, bakas ang kasiyahan ng aktres habang ikinukuwento ang pagdating ng bagong blessing sa kanilang pamilya.

Happy. Happy ako kasi healthy si Andi and healthy ‘yung baby. Sobrang I am so blessed with this work, with healthy children and apos kasi ‘yun lang naman ang prayers ko, ‘yung wag magkasakit,” tugon ng aktres sa panayam.

Isa rin sa ipinagpapasalamat ng aktres ang safe delivery ni Andi na third time mommy na ngayon.

I am so happy, three days siya sa hospital as if nothing happened she’s too strong. Strongest woman well aside from me (smiles),” pabirong sambit ni Jaclyn.

Bilang isang ina at lola, ramdam ni Jaclyn ang kasiyahan ng kaniyang anak sa binubuong pamilya nito na isa sa hinahangaan ng aktres.

Yes they are genuinely happy. Ano sila, they’re just living their life to the fullest. Ayaw nila ng negative. They don’t watch news, they don’t watch things that make them think. Ako na bahala doon, kumbaga ako na ang bahala doon,” ani Jaclyn

“I’m sparing them from knowing things around them plus the fact that Andi doesn’t like really mga nega- negative things,” patuloy pa ng aktres.

Dito, hindi rin naiwasan na maitanong ang detalye ng pagpapakasal ng anak na recently nag-announce nang kanilang engagement.

PANOORIN: Philmar Alipayo, nag-propose na kay Andi Eigenmann

“Next year pa ang kasal, pretty sure in Siargao, e may pandemic pa so tapusin muna yan everything will (depends) on pandemic e’. Nakasalalay ang binyag, ang lahat plus the fact na he’s three days old. Guwapo mestizo so guwapo,” sambit pa niya.

Kahit na hands-on na nanay kay Andi at lola sa mga apo, aktibo rin ngayon si Jaclyn sa pagtanggap ng mga proyekto.

Sa katanuyan isa ngayon ang aktres sa mga dapat abangan sa upcoming movie ni Joel Lamangan na Anak Ng Macho Dancer.

Bukod dito, makakasama rin ni Jaclyn si Nora Aunor sa natatanging pagganap ni Nora Aunor bilang Kontrabida na produced ng Godfather Productions at ni Joed Serrano.